CHAPTER 29

8.8K 112 24
                                    

A/N: Mas mahalaga pa rin po talaga para sa akin yung comments niyo sa bawat chapter kaya sana mag-comment kayo, please? :) Masaya po ako tuwing nakakabasa ako ng bagong comments kahit constructive crticism pa yan or even just a single sentence tungkol sa bawat chapter nito na nabasa niyo. :)

Twitter: #TMAWattpad / @nrizyap





Kate


Pagdating namin sa Peregrine University, bumaba na kami ni mommy sa kotse at hinanap ko na ang puwesto ko sa pila ng mga ga-graduate. Nagtanong na rin kasi si Dylan sa Administration Office kung ano ang napag-usapan sa final briefing ng para sa graduation at natanong na rin niya kung saan kami dapat pumwesto.


Categorized kami per college. Dahil sa College of Communication ako, pumunta na ako sa pila ng college ko. Si mommy naman, pumunta na sa kung saan pupuwesto ang parents. Sayang, wala si daddy dito ngayon. Pero alam kong kahit nasa Europe siya, masaya pa rin siya para sa akin. Pagdating ko sa pila, sinalubong ako ni Lia.


"Kaaate! Ga-graduate na tayo!" salubong niya sabay yakap sa akin. Niyakap ko rin naman siya.


"Oo nga. Mami-miss ko itong university. Mami-miss ko rin 'yung garden na tambayan ng barkada" sabi ko naman sa kanya.


"Kaya nga eh. Oh, huwag ka munang iiyak! Sayang ang makeup! Haha" tumawa naman kaming pareho dahil doon.


"Napag-usapan nga pala ng barkada na mag-meet tayo doon sa garden pagkatapos nitong program. Oh siya, pupunta na ako sa puwesto ko. Magsstart na kasi. See you later!" pagpapaalam ni Lia sa akin. "Sige, see you!" sabi ko rin naman sa kanya habang nakangiti pa rin.


Pagkalipas ng ilang minuto, nagsimula nang lumakad ang ibang mga ga-graduate mula sa ibang college ng Peregrine University. Sumunod na ring lumakad ang College of Business and Accountancy. Kumaway sa akin si Kerry na medyo nasa unahan ng pila. Kumaway din naman ako sa kanya.


Sumunod din namang kumaway si Nico na tuwang-tuwa dahil nga isa siya sa mga Cum Laude sa batch namin. Nang nakadaan na sila Kerry at Nico, ngumiti naman si Derick sa akin kaya naman kinawayan ko rin siya.


Nang lumakad na si Derick, lumingon-lingon ako sa paligid. Nasaan si Dylan? Late ba siya? Bigla na lang may kumalabit sa akin mula sa likod. Paglingon ko naman, bigla na lang nagdikit ang labi namin pero agad din naman akong humiwalay.


"Ano ka ba? Paalis na 'yung pila niyo oh" sabi ko sa kanya habang medyo natatawa pa ako. Hinalikan niya naman ang noo ko. Pagkatapos niyon, binulungan niya naman ako. "Congrats sa atin, future Mrs. Patriarca" at lumakad na siya pabalik sa pila niya.


Yung puso ko, nagpapa-sirko-sirko na naman sa sobrang saya nang narinig ko ang sinabi ni Dylan. Nakakapanibago pero masaya sa pakiramdam na tinawag niya akong ganun.


Pagkatapos ng College of Business and Accountancy, sumunod na rin ang college namin. Nang nakapuwesto na kaming lahat, nagsimula na ang program.

They Meet Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now