Chapter 52: Ellen Macel Guerrero

4.1K 91 25
                                    

Basahin niyo na lang po ito. Salamat!

BRYNEL'S POV:

"Hon?" Tawag pansin ko sa aking asawa na nakaupo ngayon dito sa sofa katabi ko. Nanunuod kasi kami ng Avengers habang nakasandal ako sa dibdib nito.

Tiningnan naman niya ako saka nginitian. "Yes, hon?" Tanong nito sakin.

"Ano ang buong pangalan ni Ellen?" Balewalang tanong ko dito. Nawala naman bigla ang kanyang ngiti at napalitan ng pagtataka.

"Ellena Macel Guerrero, hon." Sagot nito. Umayos naman siya ng upo at tiningnan akong maigi. "Bakit mo naman natanong?" Ngumiti ako dito at umiling. Ayoko naman kasing maghinala siya kaya hindi ako dapat magpahalata.

"Wala naman, hon. Gusto ko lang siyang makilala. Alam mo na, makakasama natin siya dito." Tugon ko saka hinalikan siya sa pisngi. Half of it was a lie, of course. Makakasama naman talaga namin siya pero kailangan ko muna siyang paimbestigahan dahil may kutob akong nagpapanggap lang ito. "Akala ko ba ipapakilala mo ako sa kanila?" Tanong ko dito at binigyan siya ng isang matamis na ngiti.

Nawala naman bigla ang pagtataka sa mukha nito at napangiti na rin kalaunan sakin. Niyakap ako nito at hinalikan sa noo.

"Oo nga pala. Halika na, hon." Aya pa nito ng mapagtanto ang sinabi ko at inalalayan akong tumayo. Pinatay naman kaagad niya ang Tv bago kami naglakad papunta sa gitna ng sala.

"Ellen!" Tawag nito sa empaktang gusto pang agawin sakin ang asawa ko. Aba, tukang-tuka na ako diyan kaya naman alam ko ng makipagsabayan sa pagiging plastic niya.

Ngumiti naman ito ng matamis pagkakita kay Kyler at lumapit samin. "Ano yun, sir?" Malanding tanong nito. Hindi man mahalata ni Kyler pero ako, alam na alam ko na ang mga ganyan. Tsk, ang sakit niya sa bangs!

"Tawagin mo muna ang dalawang bata sa kwarto nila at sabihin sa lahat ng maids na kailangan niyong magtipon-tipon dito dahil may pag-uusapan tayo." Walang emosyong utos ni Kyler dito.

Tumalima naman ang empakta saka ginawa na ang ipinag-uutos sa kanya. Maya-maya ay bumaba na ang dalawa kong anak na seryoso lang ang mukha habang nakatingin sa dinadaanan nila.

Pagkakita samin ay kaagad doon lang sila ngumiti saka dali-daling lumapit at humalik sa mga pisngi namin ng daddy nila.

Nagtipon naman ang mga maids at nasa unahang bahagi talaga pumwesto si Ellen. I mentally rolled my eyes.

"Everyone, I want you to meet my family." Nakangiting panimula ng asawa ko saka tumingin sa amin. "This is my wife, Brynel." Pakilala nito sakin at hinalikan ako sa noo saka tumingin kay Raven. "My son, Raven." Itinuro nito si Raven at tumingin pagkatapos kay Liam. "And my son, Liam." Hindi ngumiti ang dalawa habang nakatingin sa mga mids kaya ibinaling na lang nito ang atensyon sa mga nasa harapan namin na medyo gulat pa.

Tahimik lang ang lahat hanggang sa tumikhim si Ellen dahilan para mapatingin kami sa kanya. "Pero, wala naman po kayong naipakilalang asawa noon ah." Bakas sa mukha nito ang inis pero hindi naman ipinahalata kay Kyler.

"Yes, dahil nasa ibang bansa sila." Tugon ni Kyler dito.

She akwardly laugh. "Wala rin pong mga pictures nila. Imposible po na magkaasawa kayo at may anak pa po." Giit pa nito.

"Nasa kwarto ko ang mga yun, kwarto rather namin ng asawa ko. Kaya hindi ko kayo pinapapasok doon dahil nandun lahat ng mga alaala namin." Hinapit ako nito sa bewang dahilan para mas mapalapit ako sa katawan niya.

"Bakit hindi ko man lang alam na kasal ka na pala? Bakit hindi mo ako sinabihan kaagad." Bakas na sa boses nito ngayon ang inis at galit kay Kyler.

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now