Chapter 48: The Party

3.7K 96 41
                                    

Here's the update guys. Oh my gosh! Marami ng nagrereklamo na hindi pa ako nakakapag update. Sorry naman po, gumala po ako kahapon. Kapatid ko po kasi si Dora, joke😂 Enjoy this update and don't forget to vote. Thank you!

Rain's gown, hair and makeup in the multimedia.

RAIN'S POV:

Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko ngayon, dalawang araw na mula ng mangyari ang aksidente sa mall.

Nasa banyo ako nun tapos medyo natagalan ako ng konti dahil maraming tao ang nandun. Nang bumalik na ako ay humahagos at halatang kinakabahan na Cheryl at Joyce ang bumungad sakin sa parking lot.

Tinanong ko kung anong nangyari at sinabi naman nila ang sagot. Para akong binuhusan ng tubig, may lalaki daw kasi na nagligtas sa dalawang anak ko at nalaman kaagad nila na yun ay si Kyler dahil kamukha ito ni Raven at kapareho rin ang mata nito kay Liam.

Sa tuwing maalala ko yun ay kinakabahan, nalulungkot, nangungulila, at nababahala ang tanging nararamdaman ko. Malalaman niya kaya? May hint na kaya siya?

Ngayong araw pala gaganapin ang aking kaarawan. Excited ako na kinakabahan, sana naman ay gumana ang plano ko ngayon.

Kahapon ay ipinabigay ko na ang bawat invitation card na pinagawa nila Joyce para sa mga taong dapat na dumalo. Nagpatawag din kami ng press para maging live ang event na ito.

Sana pumunta silang lahat lalong-lalo na si Kyler. Gusto ko nang magpakilala ng maayos, yung tunay na ako. Wala ng pagpapanggap at pagtatago. I hope this time ay mapatawad pa nila ako.

"Brynel?" Tawag nang isang boses. Nabaling naman sa kanya ang aking atensyon.

"Okay ka lang? Kanina ka pa tulala diyan ah. May problema ba?" Nag-aalalang tanong sakin ni Bryne. Ngumiti naman ako ng konti dito.

Bumuntong-hininga muna ako bago nagsalita. "Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Pupunta kaya sila? Ano kaya ang magiging reaksyon nila? Mapatawad pa kaya nila ak--" Hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil sumabat na lang bigla si Bryne at niyakap ako.

"Hey! Stop it. Ano ka ba naman, Brynel!? Of course they will understand you. Sasabihin mo naman ang totoo di ba? Birthday mo pa naman ngayon. Dapat ay masaya ka." Ani nito saka kumalas sa yakap at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Listen to me, we will always be here for you. Hindi ka man nila tanggapin ngayon, wala akong pakialam. Nandito kami para sayo, hindi ka namin pababayaan." Dagdag pa nito.

Ngumiti ako ng malapad dito. "Thank you so much, kuya. Nagpapasalamat ako na ikaw ang naging kapatid ko, madalas man kitang tarayan pero alam ko dito sa isip at puso ko na mahal kita, kayo ng mga anak ko at ng pamilya natin."

"You don't need to say thank you because it's my responsibility to care and love you because I am your brother. Lalo na ngayon na tayong dalawa na lang at wala na si lola." Mahinang saad nito sakin. Napatango na lamang ako habang ngumingiti dito.

"Mamaya na nga yan, aayusan pa ng mga make-up si Brynel eh. Magbigay ka nalang ng message mamaya sa kanya." Biglang sambit ng isang boses na nasa likuran namin dahilan para mapatingin kami dito.

Nakangiting mukha ni Yana na naglalakad papalapit sa pwesto naming dalawa ni Bryne ang nakita namin. Kaagad naman itong hinalikan ni Bryne sa noo ng makalapit na talaga ito.

"Panira ka talaga, love eh. Nagmomoment kami dito oh." Nakabusangot nitong reklamo kay Yana.

Tumaas naman ang kilay ng asawa niya. "Aba, wala akong pakialam. Nandito tayo sa condo nila para asikasuhin na siya. Kaya tumigil ka diyan, kundi sasapakin talaga kita." Mataray na sambit nito. "Move!" Utos pa nito sa asawa saka mahinang tinulak sa Bryne paalis sa tabi ko.

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now