Chapter 3: Decision (EDITED)

6.3K 171 16
                                    


Okay, I will update na po today. Hindi ako mapakali eh, hangga't hindi ko na isusulat ang iniisip ko. Sana magustuhan nyo po ito.

GABBY'S POV:

Nasa school na kaming dalawa ni Yana, habang naglalakad sa hallway ay nakarinig kami ng isang announcement mula sa principal.

"Students please proceed in front of the stage for further announcement!" Rinig na rinig ito sa buong eskwelahan dahil sa nakakabit na speaker sa kahit na saang sulok dito.

Nung tumahimik na ang paligid ay kaagad akong napatingin kay Yana ng kalabitin ako nito. "Babe, punta na tayo dun baka kasi importante." Aya nito sakin.

Nginitian ko ito. "Ah, sige babe. Tara na!" Tugon ko naman dito saka ko ito hinawakan sa kamay at tumakbo papunta sa harapan ng stage. Pagdating namin sa harapan ay kaagad naming nakita sa gitna ng stage ang principal habang nakatipon naman sa baba ang lahat ng estudyante. Kumuha ito ng microphone mula sa isa naming guro at humarap samin na nakangiti ng malapad.

"Students, merong nag donate satin ng 1,000,000 pesos para daw sa mga pangangailangan natin dito sa school." Masayang saad nito. "Hindi ko alam kong sino ang nagpabigay pero sabi niya sakin, nandito daw kasi ang anak niya." Dagdag pa nito dahilan para manigas ako sa aking kinatatayuan. Bigla akong natulala at kinabahan, parang binuhusan rin ako ng malamig na tubig dahil sa narinig.

Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko o ano ang mararamdaman ko sa mga oras na ito, pero isa lang ang alam ko. Kilalang-kilala ko kung sino ang nagpadala niyang sinasabi nilang donation.

"Babe, ano ang nangyayari sayo? Kanina pa ako nagsasalita dito, hindi mo ako pinapansin. Nakatulala kalang diyan." Narinig kong saad ni Yana dahilan para bumalik ako sa kasalukuyan. Pagtingin ko sa kanya ay nakita ko na itong ngumuso kaya ngumiti na lang ako para mabawasan ang nararamdaman ko ngayon. Natapos yung announcement na parang wala pa rin ako sa sarili, hindi ko nga namalayan na tapos na pala eh.

Pag tingin ko sa mga estudyante ay nagsipag balikan na sila sa kanilang mga classroom habang ako naman ay parang walang narinig sa mga sinabi pa ulit ng principal. Bumabagabag parin kasi sakin ang narinig ko kanina.

Tinapik ako sa balikat ni Yana kaya kaagad akong napangiti dito. Hinalikan ko ito sa noo saka inaya nang umalis dahil may klase pa kaming pupuntahan. Pumayag naman siya kaya napangiti ako dito para hindi niya mahalata na malalim ang iniisip ko ngayon. Natapos ang klase namin sa araw na ito habang iniisip ko parin ang nangyari kanina, hindi ako mapakali eh. Parang may mangyayaring di ko gusto. Pilit ko mang pinapaalis sa isipan ko pero ayaw talaga, binabagabag pa rin ako.

"Hoy, babe kanina pa yan. Sino ba kasi yang iniisip mo? Baka iba na yan ah?" Narinig kong maktol nito sakin, nagpout pa ito kaya naman ay ngumiti ulit ako dito.

"Ikaw lang naman palagi ang nasa isip at puso ko, wala ng iba pa." Malambing na saad ko dito. Kung may iba man akong iniisip, tanging problema ang mga yun. Gusto ko sanang isatinig ang mga iyon pero ayoko siyang mag-alala kaya tumahimik na lamang ako.

Lumiwanag ang mukha nito. "Totoo, babe?" Tanong niya na halatang masaya dahil sa naging sagot ko.

"Of course babe." Tugon ko na lamang saka napansing nasa bahay na pala nila kami. "Andito na tayo sa harap ng bahay niyo oh, pumasok kana. Good night mahal ko, I love you." Sabi ko dito sabay halik sa kanyang noo.

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon