Chapter 41: Blackmailing

2.7K 78 10
                                    

Heto na guys. Update again. Since birthday ko bukas, gift ko na ito. Lovelots.

KYLER'S POV:

Nandito ako sa likod ng eskwelahan at naghihintay kay Claire na dumating. Hindi ko man gusto ang pumunta pero kailangan para maayos ko na ito ngayon.

"Baby?" Narinig kong tawag ng isang boses. Alam ko kung kanino yun galing kaya hindi ko na kailangan pang lingunin.

Niyakap ako nito mula sa likod pero marahas ko itong iwinaksi at sinamaan siya ng tingin.

"Anong kailangan mo, Claire?" Malamig na tanong ko dito. Ngumiti naman ito sakin, a wicked one.

"Simple lang naman, baby." Panimula nito at pumunta sa harapan ko. "Gusto kong mapasaakin ka." Sagot nito.

"May mahal na akong iba at wala ka ng magagawa dun." Tugon ko dito saka tumalikod na at akmang aalis na sana ng bigla itong magsalita.

"Kahit na sabihin ko kay Rain na may nangyari satin sa resort?" Ramdam ko na nakangisi ito ngayon kahit hindi ko man ito nakikita. I automatically froze ng tanungin niya ako ng ganun.

Pumunta na naman ulit ito sa harapan ko. "Alam kong ayaw mo siyang masaktan, baby. Pero nasa akin ang alas para makuha kita." Ani nito sa mapanuksong tono saka hinawakan ang aking pisngi.

Nandidiri ako sa kanya, naiinis at nagagalit ako para sa sarili ko. Bakit ko pinahantong sa ganito ang lahat?

Mahal na mahal ko ang asawa ko at ayoko siyang masaktan o kamuhian ako pero ano nga ba ang pwede kong gawin?

Hanggang sa pagpasok sa klase ay hindi doon nakatuon ang atensyon ko. Napatingin ako sa katabing upuan ko, wala pa siya at hindi ko alam kong ano pang mukha ang ihaharap ko sa kanya.

Alam kong alam ni Rain na meron akong problema pero hindi lamang nito tinatanong. Matalino siya kaya hindi lingid sa kanyang iniiwasan ko siya ngunit hindi ko maiwasang magalit sa sarili ko. Nag-aalala ako sa tuwing wala siya sa bahay at one week siyang hindi umuuwi.

Hindi ako makatanong dahil wala akong karapatan. Lalo na ngayon na nagkasala na ako sa kanya.

"Yow pre!" Bati sakin ni James saka ako tinapik sa balikat. Napatingin naman ako sa kanya dahil doon. "Anong nangyari sayo?" Nagtatakang tanong nito.

"Wala naman. May iniisip lang." Sagot ko dito saka naglakad na papunta sa isang mesa na walang nakaupo.

Naramdaman kong umupo rin ito sa harapan ko kaya napatingin na lamang ako sa kanya.

"Hindi pumasok si Rain. Alam mo ba kung bakit?" Mahinahong tanong nito.

"Hindi ko alam." Tanging nasagot ko saka napayuko nalang. Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga nito.

"Guys! Kumain na kayo?" Rinig kong tanong ng isang boses. Nang lingunin ko ito ay bumungad sakin ang mukha ni Jaylen na nakangiti. Nakasunod rin sa kanya ang mga kaibigan namin at naupo sa mga bakante pang upuan.

"Wala pa Jay, tara bumili na muna tayo." Aya sa kanya ni James. Sinabi naman namin ang mga gusto naming kainin saka naglakad na silang dalawa at bumili.

"Gutom na ako!" Reklamo ni Justine.

"Lagi naman eh." Natatawang panunukso pa ni Zhaira dito.

Napangisi si Justine saka inilapit ang mukha nito sa mukha ni Zhaira. "Ikaw lang naman kasi ang gusto kong magpabusog sakin." Saad nito dahilan para mamula si Zhaira at nakakuha ng maraming tukso mula sa mga kaibigan namin. Hinampas nalang nito si Justine saka ako napailing nalang.

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now