Chapter 22: The Accusation

5.6K 163 9
                                    

I dedicate this chapter to my myluvs HoneyJoyceDelotina for letting me borrow her name for my story. Love you mwahhh!

Hope you guys like this chapter!

SKY'S POV:

Riiiiiinnnnngggggg!!!!!!!!!!!!!!

Napabalikwas ako nang bangon dahil sa tunog nang alarm clock dito sa kwarto ko. Naman oh! Istorbo talaga tong alarm clock na to kahit kailan.

Pinatay ko nalang yun at bumangon na dahil as usual, kailangan ko pang gawin ang morning routine ko. Balik cap na naman ako ngayon, tapos na naman ang intramurals eh.

Pagkatapos kung gawin lahat nang yun, bumaba na kaagad ako papuntang kusina.

Pagkababa ko ay binati ako nang mga maids and butlers ko. Hindi na ako nag atubiling batiin sila. Tumango nalang ako bilang sagot at nagpunta na sa kusina.

Nadatnan ko naman doon si Gail na nakaupo habang ang lalim nang iniisip. Problema nito? Di nga yata ako napansin eh.

Bahala siya diyan basta ako kakain na. Umupo ako sa tapat nang inuupuan niya pero hindi niya parin ako naramdaman. Kung hindi ko pa binagsak ang kutsara, hindi pa niya ako mapapansin. Tsk!

"Problema mo Gail?" Walang ganang tanong ko. Tiningnan naman niya ako na nag-aalinlangan.

"Eh kasi Princess, May problema eh." Sagot niya sakin habang nakayuko. Ayan na naman ang pagka childish nang babaitang to.

"Ano nga yun eh!?" Naiinis na tanong ko. Pwede naman akong diretsuhin, bakit hindi pa gawin?

"Eh kasi may exam tayo ngayon." Sagot niya. Exam lang pala eh, ano naman ang problema doon?

"Oh?" Tanong ko sa kanya habang ngumunguya nang adobo at kanin.

"Anong oh? Baka bumagsak ako. Hindi pa naman ako nakapag review kagabi. Ano gagawin ko Princess?" Saad niya habang hindi maipinta yung pagmumukha. Nag pout pa kaagad, seriously? Nagmumukha siyang bebe. I just rolled my eyes.

"Seriously? Eh sino ba may kasalanan? Bubugbogin ko." Walang ganang tanong ko pabalik sa kanya.

"Princess naman eh. Ganito nalang, Pwede mo ba akong e tutor? Please?" Pagmamakaawa niya.

"E tutor lang pa---- what? No way Gail!" Sigaw ko sa kanya. Ako? Tuturuan siya? No way!

"Sige na Princess, kailangan ko talaga to eh." Sabi niya habang humagulgol na nang iyak. Tsk, napaka iyakin talaga nang bruhang to.

Naawa naman ako sa kanya kaya nilapitan ko nalang siya at niyakap. May choice pa ba ako? Syempre, tuturuan nalang siya. Naman oh!

"Wag ka nang umiyak. Kunin mo na ang mga notes mo habang may oras pa tayo." Kalmadong saad ko.

"Really!? Yehey!! Thank you Princess!" Kumalas siya sa pagkakayakap sakin sabay halik sa pisngi ko. Tumakbo kaagad siya papuntang kwarto niya at kinuha doon ang bag niya.

Napailing nalang ako. Napakaisip bata talaga nang babaeng yun. Di ko nga alam kung pinsan ko nga ba talaga yun eh.

Maya-maya ay dumating na siya kaya nag review na kami. Actually, kung gugustuhin ko nga pwede na nga akong magturo sa isang University rin eh. Pero ayoko, mababagot lang ako nun.

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon