Chapter 14: First Day Continuation (EDITED)

5.7K 179 11
                                    

KYLER'S POV:

Nandito kami ngayon sa dressing room, kakatapos lang naming mag serve sa mga customers at isa lang ang masasabi ko, nakakapagod.

"Parang ayoko na, ang sakit na kasi sa panga kakangiti sa camera eh." Maktol ni James habang naka pout pa.

"Ayaw niyo ba yun? Expose ang kagwapuhan natin?" Nakangiti namang tanong ni Justine. Napailing nalang ako, Justine will always be Justine.

"Ang hangin naman." Parinig ni Zhaira dito.

"Eh, bakit ba? Gwapo naman talaga ako ah?" Kontra naman ni Justine. Kailan ba sila titigil? Tsk.

"Gwapo, saang banda?" Mapangutyang tanong naman ni Zhaira dito saka siya tiningnan mula ulo hanggang paa.

"Buong-buo, mula kuko hanggang ulo." Pagmamayabang pa ni Justine. Kaya ayun, bangayan na naman sila.

Makaalis na nga. May basketball pa akong sasalihan. "Let's go, we have a basketball game to attend." Malamig na aya ko sa kanila kasabay ng aking pagtayo.

Naglakad muna ako papunta sa locker ko ng makarinig ako ng hindi kaaya-ayang usapan.

"Ano ang ginawa mo, Max?" Tanong ng isang boses babae.

"Ano pa? Kundi inilista ko lang naman ang mabahong pangalan ng Sky na yun sa mga contest dito. Of course, alam kung hindi niya kaya lahat yun.  Lalo na at ako ang makakalaban niya." Sagot ng isang boses saka sila humalakhak.

Napailing na lamang ako. Basi sa boses na narinig ko ay kay Maxxine yun kasama ang kanyang mga kaibigan. Kawawang Sky, napagdiskitahan na naman.

Nagpatuloy ako sa pagbukas ng locker at kumuha ng basketball jersey ko. Aalis na sana ako nang may tumawag bigla sakin. Nang humarap ako ay bumungad sakin ang nag-aalalang mukha ni nerd.

"Kyler, I know we are not close but I hope mabantayan mo si Maxxine sa balak niya kay Sky." Kalmadong saad nito kasabay ng kanyang pagyuko.

Nanatiling malamig ang ekspresyon ko. "Why would I?" Malamig na tanong ko dito.

Tumingala siya at tiningnan akong mabuti. "Dahil ikaw lang ang makakatulong kay Sky. I heard from them na maghihiganti daw si Maxxine kay Sky." Nag-aalalang sagot nito.

I snorted. "I don't care Nerd." Bagot na saad ko kasabay ng pagtalikod ko sa kanya dahil kailangan ko ng pumunta ng basketball court.

Bago pa ako makalayo ay narinig ko pa ang sinabi nito. "I know kahit hindi ko sabihin, gagawin mo pa rin ang tama." Pahayag nito sa mahinahong tono. Hindi ako tumigil sa paglalakad ngunit nag-aalinlangan ako kung gagawa ba ako ng paraan o hindi sa mga gagawin ni Maxxine. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Should I do something? Teka nga, bakit ko ba to iniisip? She can handle herself.

Nakarating naman ako sa court ng matiwasay at nakitang nandoon na pala silang lahat including Justine and James.

"Hello bro!" Bati sakin ni Justine habang papalapit kasama si James.

Tumango lang ako sa kanila at umupo nalang sa bench habang naghihintay ng oras para mag-umpisa.

SKYLER'S POV:

"Sky, magbihis kana nang Jersey short at shirt dahil malapit na mag-umpisa ang basketball for girls." Saad ni Gail kay Sky while the other is not paying attention to her. Kahit kailan talaga 'tong yelong to.

Nang makitang hindi man lang kumilos ang isa ay kaagad itong nainis dahilan para itapon nito ng marahas sa mukha ni Sky ang jersey. Medyo nagulat pa ako sa ginawa nito hanggang sa tiningnan siya ng masama ni Sky. Awkward itong ngumiti at tahimik na nag peace sign sa pinsan nito.

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now