Chapter 45: After 8 Years

3.5K 97 31
                                    

Oh, ito na po. Haha, tinamad na naman ako kagabi eh. Kaya ngayon ko na lang tinapos. Hay, enjoy reading guys.

KYLER'S POV:

Walong taon, walong taon na ang nagdaan at hanggang ngayon ay hinihintay ko pa rin siya. Nagbayad ako ng isang maghahanap sa kanya pero wala rin kaming nakita. Her parents help me too on finding her pero wala pa rin kaming nahanap. Saan ka na ba kasi, hon? Okay ka lang ba? I want to know everything pero wala akong mahanap na sagot. Parang may pumipigil na makita kita eh, pero hindi ako susuko. Hangga't kaya ko ay maghihintay ako, kahit gaano pa yan katagal.

Napabuntong-hininga na lamang ako. I am currently the CEO of our company habang si Ryn naman ang naging CEO ng mga Villarama. Pinatatakbo ko ito at itinutuon lamang ang atensyon ko doon para makalimutan ko ang lungkot. Pero kahit anong gawin ko ay sumasagi pa rin sa isip ko ang mukha niya.

Nandito lang ako palagi sa office at ginagawa lahat ng trabaho ko. Ngayon nga ay may mga penepermahan na naman akong papeles ng biglang bumukas ang pintuan ng office ko dahilan para mapatingin ako dito.

Iniluwa mula doon ang batang babae na dali-daling tumakbo papunta sakin.

"Ninong!" Sigaw nito at niyakap ako sa hita. Natawa na lamang ako at saka napatayo at kinarga siya.

"Hay naku, Anlaire. Tumakbo ka na naman eh." Saway ng boses na papasok dito sa opisina ko. Nakasuot ito ng pang office, so I assume na galing pa ito sa kompanya nila. "Pasensya ka na talaga, Kyler. Alam mo naman yang inaanak mo. Masyadong pasaway." Tumawa pa ito kaya natawa na lang rin ako.

"It's okay, Claire. Alam ko naman kasing miss na ako nito." Hinalikan ko naman sa pisngi ang anak niya kaya ito humagikgik.

"I really do, ninong." Saad naman ng bibong bata na hawak-hawak ko. Napailing nalang ang ina nito. Bumaba naman mula sa pagkakabuhat ko ang bata saka umupo sa couch dito sa office ko.

"Dumaan lang talaga kami para tingnan ka. Lagi ka nalang kasing subsob sa trabaho eh." Ani nito. Bakas sa boses niya ang lungkot pero ngumiti nalang ako ng konti.

"Okay lang ako. Sige na, magpahinga ka na. Mukhang galing ka pa sa trabaho eh. Alam kong pagod ka." Saad ko nalang dito.

"Oo na nga, ikaw rin." Tugon nito sa sinabi ko saka tiningnan ang kanyang anak. "Halika na, Anlaire. Marami pang trabaho si ninong. Next time naman ulit." Ani nito sa anak.

"Okay mommy." Tugon ni Anlaire saka lumapit sakin at pinayuko ako saka hinalikan sa pisngi.

Nagpaalam ang mag-ina sakin saka ako bumalik sa upuan ko ng makaalis sila.

Pitong taon na si Anlaire, lumaki itong maganda, mabait, magalang at malapit sa akin. Sabi ni Claire ay nakuha daw nito ang mukha ng kanyang ama. Parang wala nga daw namana si Anlaire mula sa kanya eh.

Napabuntong-hininga ako. Ganyan na rin ba kalaki ang magiging anak sana namin ni Rain kung hindi lang siya umalis? Magiging babae rin kaya siya o lalaki? Magiging mabuti kaya akong ama sa kanya?

Gustong-gusto kong maranasan ito kaya ko tinulungang magpalaki si Claire kay Anlaire. Ang sarap pa lang magkaroon ng anak at the same mahirap pero worth it naman kapag nakita mong nakangiti ang isang batang malapit sayo. Tinuring ko na rin kasing anak si Anlaire eh.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko si Rain. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin akong babalik siya sakin.

Pagkatapos kong gawin ang trabaho ko sa opisina ay kaagad akong lumabas ng building. Sasakay na sana ako sa kotseng dala ko ng tumunog bigla ang aking phone na nasa bulsa ng suot kong pantalon.

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now