Chapter 47: Accidentally Meeting Them

3.7K 101 41
                                    

Enjoy reading! wala na akong masabi.

RAIN'S POV:

Limang araw na ang nagdaan at nakapag-adjust na rin naman ang mga anak ko dito sa pilipinas. Minsan ay hinihiram sila sakin nila Bryne at Yana para may kasamang mamasyal si Brianna, minsan naman ay pinasasama rin sila nina Joyce at Cheryl sa tuwing mamasyal din ang mga ito o magpipicnic kasama ang pamilya ng mga ito.

Ako naman ay busy rin dahil meron naman akong businesses dito sa pilipinas na kailangan kong puntahan at asikasuhin. Minsan ay hindi ako nakakasama sa kanila dahil sa tagal ng hindi ko pag asikaso ng aking kompanya ay tambak na gawain ang bumungad sakin.

Hanggang ngayon nga ay iniisip ko pa rin kung ano ang magiging reaksyon ni Kyler kapag nagkita kami, kapag nalaman niyang may anak kami.

Ilang araw na lang ay birthday ko na at yun din mismo ang araw na itinakda ni lola para masabi namin sa lahat na apo kami ni Luzviminda Azuelo Montreal. Isang kilalang business woman na malaki ang impluwensya sa larangan ng iba't-ibang negosyo kaso priority ng pamilya namin ang privacy kaya konti lang ang alam ng ibang tao tungkol sa amin.

My mom and dad have their own companies too kaya kami ang pinaka successful family sa larangan ng negosyo not until namatay silang dalawa dahil sa car accident.

Sayang nga dahil hindi ko man lang sila nakita pero okay lang, at least kahit sa huling pagkakataon ay nakilala ko naman si lola. Alam kong masaya na ngayon silang tatlo sa kung asan man sila ngayon.

Napailing na lamang ako at nagbuntong-hininga. Matatapos na rin naman ang mga penepermahan ko dito. Pwede na kaagad akong umuwi pagkatapos at mayakap ang mga anak ko.

Ngayon ay nasa bahay nila Yana ang dalawa, ayoko naman silang ewan ng sila lang sa condo nuh. Baka ano ang mangyari sa kanila doon lalo na at wala ako.

By the way, may bahay sila Bryne dito sa pilipinas dahil nandito ang mga magulang ni Yana kaya napagdesisyonan nalang nila na bumili at magbakasyon lang minsan.

Nagkaayos na rin pala kami ng pamilya ni Yana dahil humingi na rin ako ng tawad sa kanila. Hindi naman daw sila galit, nainis lang dahil hindi ako nagsabi kaagad pero desisyon ko naman daw at wala silang magagawa doon. Natawa pa nga sila dahil hindi nila inaasahan na magkakaasawa at anak ako eh at mas hindo sila makapaniwala na ang asawa ni Yana ay kapatid ko pa mismo, kahit nga ako ay natawa eh. Iba nga talaga maglaro ang tadhana.

Ngayon ay unti-unti ng nagiging magaan ang lahat sa akin, konting tiis nalang at magiging buo rin kami ng pamilya ko.

Bumuntong-hininga ako at napatingin sa aking suot na relo. Nakita ko namang hapon na pala at kailangan ko ng umuwi, mabuti na lang at natapos ko na lahat ng trabaho ko ngayon kaya nagpalam na lamang ako sa mga empleyado na mauuna na ako sa kanila.

Bago ako lumabas ay nakasalubong ko pa si Cheryl at Joyce na naglalakad habang nakangiti sakin.

"Brynel, pupuntahan namin mamaya ang dalawang chikiting ah. Ipapasyal lang namin sila sa mall ni Cheryl at ng mga anak ko." Saad nito ng makalapit sila sakin.

Napatango naman ako. "Oo naman, puntahan niyo lang kami sa condo." Tugon ko dito habang nginingitian sila.

"Aasahan namin yan, young lady." Nakangiting paninigurado pa ni Cheryl sakin. Natawa na lamang ako at napatango. "Alis na po kami." Paalam nito saka sila kumaway sakin, kumaway na lang rin ako sa mga ito at tumalikod na.

Naglakad na lang ako palabas habang nakatingin lamang sa unahan. Nung nakalabas na ako ay kaagad akong sumakay sa aking kotse saka ko ito pinaharurot paalis doon.

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon