Chapter 9: Collision of Problems (EDITED)

5K 136 15
                                    


SKY'S POV:

"Pupunta ka ba sa bahay nila Kyler ngayon Rain?" Tanong ni Gail sakin. Rain naman ang tawag niya pag kaming dalawa lang. Nandito kami ngayon sa terrace nang bahay ko at wala ako sa mood para mag ensayo kasama ang lalaking yun.

Lumingon na lamang ako sa kanya. "Hindi." Sagot ko sa malamig na tinig. Bakit naman ako pupunta sa kanila? Tinatamad ako kaya huwag na lang, hindi rin naman kailangan yun eh.

Magsasalita pa sana ito ng biglang tumunog yung cellphone ko kaya nanahimik na lamang siya habang sinasagot ko ang tawag.

"Hello?" Bungad nang nasa kabilang linya.

"Yes?" Tanong ko dito in a bored tone.

"Nasaan ka na bang tomboy ka?!" Tanong nito na halatang naiinis na. "Kanina pa kita hinihintay!" Sigaw pa nito. Napalayo naman ako ng konti sa cellphone ko dahil para akong mabibingi sa boses niya.

"Sino ba 'to?" Bagot na tanong ko sa kanya.

"Si Kyler lang naman itong kausap mo, kaya kung gusto mo pang mabuhay pumunta kana dito." Sagot nito sa mapagbantang tono. As if naman matatakot ako niyan, tsk.

Pagkatapos niyang sabihin yun ay pinatay na niya kaagad ang tawag na hindi man lang ako pinagpasalita.Tsk, tarantado talaga yun. Pinatayan ako nang tawag? Sasapakin ko talaga yun pag makita ko siya. Oh well, on the other thought, gusto ko rin naman yun dahil sayang sa laway kapag makikipag-away pa ako sa kanya.

Ibinaling ko ang aking atensyon kay Gail na halatang naglalaro ng games sa cellphone. Kakausapin ko na sana ito ng tumunog na naman ulit ang cellphone ko.

But this time, its just a text from the one and only bastard in my life.

Pagbukas ko ng mensahe ay ito kaagad ang bumungad sakin.

******* street, #18, ******* City.
Pumunta ka na dito or else you will pay for it.

Napaikot na lamang ako ng mata saka tumayo na mula sa aking inupuan kanina. Kaagad namang napatingin sakin si Kendra habang nagtataka pa.

"Oh? San ka pupunta?" Nakakunot-noo nitong tanong sakin.

"Saan pa nga ba? Kundi doon sa letseng Kyler na yun. Walang hiya siya! Siya pa tong may ganang mag demand? Tsk!" Sagot ko sa naiinis na tono.

"Wow, ikaw ba talaga yan? Ba't ang haba naman yata?" Tanong nito sa mapanuksong tono saka tumawa pa kalaunan na ikinabusangot ko. Isa pa to eh, tadyakan ko kaya?

Hindi na lamang ako nagsalita. Aalis na sana ako nang tumunog na naman ang cellphone ko. Kung si Kyler 'to ulit, sasapakin ko na talaga siya.

Tiningnan ko na lamang ito at lihim na nagpapasalamat dahil hindi na siya ang nag text sakin.

The message was came from my secretary. Yes, I have my own secretary because to tell you honestly I have my own business in Korea, America, New York, Paris and Singapore na kailangan kong pagtuunan ng pansin.

Hindi naman alam nila mommy and daddy especially my brother na meron ako nun dahil ayoko ring malaman nila.

I have 10 hotels, 5 restaurant, 8 resorts, 5 boutiques and 5 malls all over the world sa murang edad lamang.

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now