Chapter 33: The Unforgettable Honeymoon

5.4K 115 25
                                    

First update this month guys. Hope you will like this chapter. I want to dedicate this to PrincessLuisaSarden7.... Here's your dedication request po. Just continue the support po.

RAIN/SKY'S POV:

Nag-iimpake ako ngayon dito sa kwarto ko sa bahay namin ni Kyler. Oo, namin talaga. Nakatira na kasi kami sa iisang bubong. Actually, pagkatapos nang kasal namin kahapon ay nagpunta kaagad kami dito.

Speaking of kasal, hindi naman talaga siya secret wedding dapat eh. Pero dahil yun ang kagustuhan ko ay wala silang magagawa. Iimbitahan sana nila mom ang lahat nang mga estudyante sa school even their parents but I refuse. I don't want others to know me.

At first ayaw nilang pumayag sa gusto ko pero dahil naiintindihan naman ako ni Kyler ay sinabihan niya rin sina mom na mas mabuti na nga kung secret wedding ang mangyayari.

Then, this house naman ay isa sa mga wedding gift nila mommy saming dalawa. Apat ang kwarto nito, hindi pa kabilang doon ang music room, game room, study room at saka nursery room. Ewan ko ba sa kanila ni mommy kung bakit may kwarto pa na para sa baby, eh hindi naman kami magkaka baby ni Kyler dahil ang babata pa kaya namin para magkaanak. Tsk, ang weird talaga nila.

May gym, sports center at pool rin itong bahay. Malaki siya kaya nung una ay ayaw sana naming tanggapin ni Kyler dahil dalawa lang naman kami pero dahil baka magtampo na sila mom, tinanggap nalang namin.

"Hon? Papasok ako ah." Rinig kong sabi ni Kyler sa labas nang pinto. Magkaiba kasi kami nang kwarto dahil ayoko pang magsama kami.

"Sige hon!" Tugon ko dito habang nakapokus pa rin sa ginagawa ko.

Maya-maya ay naramdaman ko nalang na may pumulupot na mga braso sa bewang ko. Napangiti nalang ako. Humarap ako dito saka ito hinalikan sa labi.

"Tapos ka na sa mga gamit mo?" Nakangiting tanong ko. Ngumiti lang ito sakin pabalik saka tumango.

"Mabuti naman, kumalas ka muna at tatapusin ko lang ito." Sabi ko dito na ginawa niya naman. Umupo ito sa kama ko saka tumingin sakin.

"Sa Paris daw tayo pupunta hon." Sabi nito sakin.

"Ah ganun ba hon? Sabagay, maganda naman talaga dun." Tugon ko dito.

Pagkatapos kong mag impake ay kaagad na kaming lumabas nang bahay. Tinulungan niya akong ipasok ang mga bagahe ko sa kotse saka na kami umalis papuntang airport.

"Mga anak!" Tawag samin nila mom pagkadating na pagkadating namin. Wala ang mommy at daddy ni Kyler kasi may meeting daw kaya sina mommy nalang at daddy ang nandito. Kaagad naman kaming ngumiti sa mga ito. Nandito rin kasi ang mga kaibigan namin, syempre hindi papahuli ang mga yan.

"Mag-iingat kayo doon ah?" Paalala ni dad samin.

"Opo." Sabay na sagot namin ni Kyler.

"Guys? Siguraduhin niyo lang na pagbalik niyo. Tatlo na kayo." Tatawa-tawang biro ni Justine samin.

"Siguraduhin mo rin na pagbalik namin, hindi ka na torpe." Tukso ko naman dito. Kaagad itong napaiwas nang tingin sakin kaya natawa nalang kami saka nagpaalam na sa isa't-isa.

Niyakap lang nila akong lahat saka nakipag beso-beso. Kay Kyler naman, tinanguan lang nila ito at sinabihang kapag may mabuo, ninang at ninong daw sila. Tinawanan nalang namin saka ibinalewala.

Pumasok na kami sa loob nang private airplane na aming sasakyan papuntang Paris.

Umupo sa tabi ko si Kyler.

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now