Chapter 25: Jealousy Is In The Air

5.8K 153 10
                                    

First update this March. Please  VOTE guys and enjoy reading!

SKY'S POV:

Kakababa ko lang galing sa kwarto ko nang madatnan ko sa kusina sina Gail at Ryn na kumakain kaya kaagad akong lumapit sa kanila.

"Good morning langit!" Nakangiting bati sakin ni Ryn pagkakita niyang papalapit ako sa kanila.

Napatingin naman sakin si Gail. "Good morning pinsan." Nakangiti ring bati nito. Tumango lang ako saka umupo sa upuan na katabi ni Ryn.

"Ang daya mo naman kambal eh!" Parang batang maktol ni Ryn habang nilalagyan nang pancake ang plato ko. 

Napatingin naman ako sa kanya and my brows furrowed dahil sa tinuran niya.

"Bakit naman?" Nagtatakang tanong ko sabay subo nang pancake.

"Inunahan mo akong matulog kagabi." Nakapout niyang saad. Napailing nalang ako.

"Napagod lang ako kambal." Tugon ko dito at ibinalik ang tingin sa pancake.

"Hmmpff, okay!" Halata ang pagtatampo sa tono nito kaya binatawan ko muna ang kutsara't tinidor saka ako tumayo.

Napatingin naman si Gail na may pagtataka pero binalewala ko nalang. Instead, pumunta ako sa likod ni Ryn at ipinulupot ang dalawang kamay ko sa waist niya saka ipinatong ang baba ko sa shoulder nito.

"Wag ka nang magtampo ulan." Malambing na saad ko dito. Naramdaman kong bumuntong-hininga ito at nagpout ulit.

"Basta date tayo mamaya ah?" Parang batang tanong nito sakin. Tumango nalang ako at hinalikan siya sa pisngi.

"Hay naku, dalian niyo na diyan love birds. Malalate tayo niyan eh, daig niyo pa magsyota." Natatawang saad ni Gail.

Napailing nalang ako at kumalas sa pagkakayakap kay Ryn at tinapos na ang pagkain ko.

Pagkatapos naming kumain ay sabay na kaming lumabas sa bahay na tatlo. Sumakay kami sa kotse ni Ryn dahil  nagpupumilit na siya nalang daw ang magda-drive.

Pagdating namin sa school ay kaagad kaming lumabas na tatlo at naglakad papasok nang gate.

Napapatingin samin lahat nang mga estudyanteng madadaanan namin at halatang nagpipigil sila nang tili pagkakita kay Ryn. Napailing nalang ako.

Malapit na sana kami sa classroom nang humarang na naman samin ang letcheng slut na si Maxxine. Hindi talaga siya nadadala eh, tsk.

"Hoy tomboy! Pagsisisihan mo ang ginawa mo samin. Nang dahil sayo, napahiya kami at pinalinis sa buong school ground." Galit na bulyaw niya, nanglilisik rin ang mga mata nito habang nakatingin nang deritso sakin.

I roll my eyes and stare at her coldly. "You deserve it bitch!" Tiim-bagang saad ko sa kanya.

Akmang sasabunutan niya sana ako nang hulihin ni Ryn ang kamay nito at hinawakan ito nang mahigpit.

"Don't you ever dare, lay your filthy fingers towards her!" Nanggagalaiting saad ni Ryn dito.

Hinawakan ko nalang si Ryn para pakalmahin. Ang hirap pa naman niyang awatin kapag galit.

Napatingin naman ako sa paligid, pinagtitinginan na pala kami nang mga tao dito sa hallway. Napabuntong-hininga nalang ako.

"Tama na Sej. Don't waste your time on that girl!" I coldly said.

Binitawan naman ni Ryn ang kamay nito saka sinamaan nang tingin. Halata rin sa mukha nito ang sakit dulot nang pagkakahawak sa kanya ni Ryn.

Hinila ko na lang si Ryn samantalang si Gail ay sumunod lang naman samin habang masama rin ang tingin kay empakta.

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now