Chapter 12: Preparation for the Intramurals 2 (EDITED)

4.8K 145 10
                                    

SKY'S POV:

Nandito na naman ako ngayon sa stage at kanina pa kami tumutulong dito pero heto ako ngayon, nakaupo dito sa may bench. Kung tatanungin niyo kung nasaan yung iba, busy sila ngayon eh, even Gail.

I feel thirsty kaya I decided to go to the canteen para bumili. Pagdating ko dito sa canteen ay marami ng tao pero wala akong choice. I'm thirsty and at the same time, gutom na rin ako kaya napagpasyahan ko na lang na pumasok pa rin.

Naglakad na lamang ako at pumunta sa counter para bumili nang pagkain. Pagkatapos bumili ay kaagad akong lumapit sa isang mesang wala pang nakaupo pero kaagad ko rin namang naramdaman na may bubuhos na naman sakin kaya kaagad akong umiwas dito. Wala pa naman ako sa mood ngayon dahil sa pagod.

Paglingon ko sa salarin ay bumungad kaagad sa harapan ko ang mukhang mangkukulam na 'yon.

Inirapan ko na lamang ito dahil mas kailangan kong unahin ang pagkain ko. Akmang aalis na sana ako ng bigla niyang hinigit ang kamay ko, mabuti na lamang at hindi natapon ang binili kong mga pagkain.

"Where do you think your going?" Tanong nito sakin. Hindi ba talaga obvious sa kanyang aalis ako?

I just gave her a cold stare and bored look. "You don't fucking care." Malamig na tugon ko dito.

Nang mapatingin ako sa paligid ay nakita kong marami na ngayon ang nakatingin samin. Kaagad ko namang binawi ang kamay ko at tiningnan siya ng masama. Attention seeker! What a bitch!

Aalis na naman sana ako para maghanap ng bagong mauupuan dahil nauuhaw at nagugutom na ako nang bigla ako nitong sampalin.

Masama ko itong tiningnan bago ako nagsalita. "Who gave you the right to slap me?" Malamig na malamig kong tanong sa kanya dahilan para manigas ito.

Ramdam ko ang takot nito pero iba ang pinapakita niya sa lahat.

"Ako dahil reyna ako ng eskwelahang ito. So, back off bitch! Huwag na huwag kang lumapit sa prince Kyler ko. Akin lang siya!" Maarteng saad nito with full of confidence in her voice. As if naman magkagusto sa kanya yun at as if naman, magkagusto rin ako sa kumag na yun.

Tsk, no way! I am a lesbian and no way on earth na magmamahal ako ng isang lalaki. Tsk, when I'm think of that idea, it creeps the hell out of me. Kadiri yun!

Inilayo ko nalang ang focus ko doon at may naisip na kalokohan. Sakyan ko nalang kaya ang trip nang baliw na 'to?

I think it will be a great revenge. Pasensyahan na lang dahil maling tao ang kanyang binangga. I smirked at inilapit ko ang mukha ko sa kanya.

Kumunot naman ang noo nito pero hindi naman siya umangal nung lumapit na ako.

"Bakit? Gusto ka ba niya?" Tanong ko dito with a devilish smirk on my face. I just want to pissed her off.

Hindi siya makasagot sakin and she can't even look directly into my eyes.

"See? Your speechless. Kung ako sayo, try to look for a man that can love you back, I know I should not be the one who is telling this to you." Nakangisi pa ring saad ko saka nag stop. Lumapit ako sa tenga nito at bumulong. "I pity you, you know why? Because you are so desperate to get the man that can't even look nor talk to you. And also, don't ever mess up with me or else, I will take all the things you are having right now Maxxine Bustamante or should I say, Rhianne Caberte." Mahinahon ngunit may dalang banta ang pagbigkas ko nito sa kanya saka ko nakitang nanlaki ang mga mata nito, I just smirked on my thought.

"A-ano b-ba ang p-pinags-sabi m-mo?" Nauutal na tanong nito saka ako lumayo sa kanya ng konti. Hindi ko kilala yang sinasabi mo." She said with an awkward laugh. Gotcha bitch!

"Your lucky today dahil gutom at nauuhaw ako. But next time, you will surely pay for interrupting my lunch Rhianne." Pahayag ko dito na may kasamang banta and then I left her dumbfounded. Tsk, bitch!

Bumalik na lamang ako sa inuupuan ko kanina malapit sa stage saka kumain habang iniikot ang aking paningin dito sa loob ng gym.

Makikita mo dito ang mga taong nagtutulungan, nagbabangayan at nag-aasaran habang gumagawa nang mga gawain, bukas na kasi yung intrams at kailangan na ngayong magprepare.

Speaking of Intrams, it will be four fucking days. Last day yung pageant at may susuotin na ako.

Guess what? When my childish mother know about the pageant, siya pa talaga ang nag-asikaso nang mga gagamitin ko together with Gail kaya ito naging busy.

I don't want to join but I don't have any choice because they blackmailed me. Oh, I really hate that fucking pageant!

Nabalik naman ako sa kasalukuyan ng biglang magsalita ang kumag na kilala ko. "Hoy babaeng malamig, follow me." Utos nito. Tarantado talaga!

"Where?" Malamig na tanong ko sa kanya. As usual, I'm using my cold voice, I don't want them to know my emotions especially my true attitude.

"Field." Maikli at malamig nitong sagot. Sumunod na lamang ako sa kanya dahil wala naman akong choice eh.

Pagkadating namin dito sa field ay naabutan naman namin ang ibang prof with some students na hindi ko kilala. I think they are also one of the representative of each sections. Naupo na lamang ako sa isang upuan doon na para samin.

Nandito rin pala ang mangkukulam na yun eh. Nakatulala lang siya at parang malalim ang iniisip, when she turn her gaze to me ay bigla nalang nag-iba ang timpla ng itsura nito. Kung nakakamatay lang ang tingin. I'm sure, I'm definitely lying on the floor right now. I just maintained my emotionless expression para sabihing hindi ako apektado sa kanya.

Napukaw lang ang atensiyon namin ng magsalita si Principal Arellano sa unahan. Tita siya ni Kyler kaya pareho sila ng apelyido.

"Good morning students." Bati nito sa lahat ng estudyante. They greet her back except me and Kyler, of course. "Dito ko kayo pinapunta kasi hindi pwedeng gamitin ang hall for this dahil marami ang ginagawa para sa mga games na magaganap. As you can see, kailangan niyong malaman ang mga category. So, here is Miss Velez." Ani nito saka tinawag ang isang babae maputi at wavy hair. Umakyat naman kaagad ito sa stage.

"Good day candidates." Bati nito. "I'm here today para malaman niyo ang mga category. So, we have 5 categories." Panimula nito.

"For the introduction, you should wear fantasy attire or even mythical attire. This is 20%. For the talent portion, naka depende na ito sa inyo. This is also 20%. For the Sports attire, this is also depends on you. This is 10%. For the Kpop attire, wear any attire basta related sa kpop. This is 10% also. Lastly, is for the formal attire, it depends on you kung anong kulay ang gusto niyo but better be sure na hindi ito malaswa tignan. This is 40%. A total of 100%, good luck everyone." Mahabang litanya nito habang nakangiti saka bumaba na ng stage.

Pagkatapos nilang mag announce ay umalis na kaagad ako doon sa ground.

Inaantok ako kaya napagpasyahan ko na lang na pumunta sa isang puno at inakyat ito para matulog.

KYLER'S POV:

Nasaan na kaya yung tomboy na yun? Kanina ko pa hinahanap yun eh. Gusto ko pa naman sanang tanungin siya kung may inihanda na ba siyang talent. Habang naghahanap ay nakasalubong ko naman sa daan si Justine.

"Sinong hinahanap mo, bro?" Tanong nito sakin.

"Si Sky." Tipid na sagot ko dito.

Kaagad naman itong napangisi. "Ikaw bro ah, mamaya inlove kana pala kay Sky." Panunukso niya pa sakin. Tinignan ko lang siya with a bored look dahil hindi talaga ako natutuwa.

Napaikot na lamang ako ng mata. "Hanapin nalang natin siya." Aya ko dito para maiba naman ang topic.

"Baka nga mainlove ka sa kanya bro, sana nga para naman hindi na matuloy iyang arrange marriage mo." Saad nito na nakapagpatigil sakin. "Oh, bakit?" Nagtatakang tanong nito bigla ng makitang natigilan ako.

"Ayokong magpakasal." Tugon ko sa kanya sa malamig na tono.

"Sana nga hindi matuloy, bro." Mahinahong pahayag nito.

I hope too Justine. But first kailangan ko munang sumabak sa pageant, tsk.


Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon