Chapter 44: Road to the Truth

3.2K 102 5
                                    

Helloooooo peopleeeeeee! Hindi ako masaya ngayon pero mag-uupdate ako. Ang bait ko diba? Paki vote naman oh, para kahit konti sumaya ako. Enjoy reading guys! Sabaw ito mga pre.

RAIN'S POV:

Nasa loob na ako ngayon ng eroplano at pinipilit kong pakalmahin ang aking sarili pero hindi ko magawa. Nag-aalala ako kay lola. Hindi pwedeng hindi ko siya makita ngayon.

Siya nalang ang tanging natitira sakin at si Bryne. Ayokong mawala sila sakin.

God! Please help them. Kailangan ko pang ibalita kay lola na buntis na ang apo niya at magkakaroon na rin siya ng panibagong apo. Alam kong masisiyahan siya kaya kailangan ko siyang maabutan.

Nang maglanding na naman kami ay kaagad akong lumabas saka naman ako sinundo ng driver nila lola. He was not young nor too old either, sakto lang pero wala na akong panahon para gawan pa siya ng deskripsyon dahil kailangan ko na talagang makapunta ng ospital.

Pagkapasok ko sa kotse ay pinaharurot na nito ang sasakyan. Sana naman ay kayanin ni lola ang lahat.

Nang marating namin ang ospital na pagmamay-ari ng pamilya namin ay kaagad akong lumabas ng sasakyan at pumasok sa pinto.

Walang anu-ano'y dumiretso ako sa ICU dahil alam kong nandoon sila. Lakad-takbo ang ginawa ko hanggang sa maabutan ko si Bryne na nakayuko at umiiyak.

Lumapit naman kaagad ako sa kanya. "Bryne!" Tawag ko sa pangalan nito dahilan para mapatingala siya at mapatayo. Bakas ang pagod at kalungkutan sa mukha nito. Hindi na ako nagulat ng yakapin niya ako bigla at humagulgol sa braso ko. Pati ako ay naiiyak na rin eh.

"Nasa loob ba si Lola?" Tanong ko habang humihikbi. Kumalas naman ito sakin at saka tiningnan ako.

"Inooperahan na siya ngayon. Malubha na si lola, Brynel. Hindi ko alam kong kakayanin pa ng katawan niya eh." Malungkot na saad nito saka napaupo nalang.

Nalungkot rin ako. Hindi kami masyadong nagkikita at nagkakausap dahil busy ako palagi. Kahit nga kami ni Bryne ay hindi rin ganun nagkikita.

Umupo na lamang ako sa tabi nito at pinahid ang mga luhang kumawala sa mga mata ko.

"Alam kong nahihirapan na siya, Bryne. Nasasaktan ako pero alam ko namang kailangan niya rin ng pahinga." Mahinahong sambit ko naman dito.

"You're right, tatanggapin nalang natin kung talagang sumuko na siya. Masakit para sakin, Brynel. Pero mas masakit ang makita siyang nahihirapan." Tugon nito sa sinabi ko.

"Alam ko, pareho lang naman tayo. Knowing na hindi niyo nga ako nakasama ng matagal." Napasandal na lamang ako sa inuupuan namin habang napapahilot sa sentido ko. Pagod na naman ako, ang sakit pa ng balakang ko ngayon.

Naging tahimik naman kaming dalawa hanggang sa lumabas ang doctor mula sa ICU dahilan para mapatayo kaming dalawa.

"Kayo ba ang pamilya ng pasyente?" Magalang na tanong nito. Tumango naman kami sa kanya at naghintay ng mga sasabihin niya pa. "I'm sorry but we did everything we can pero hindi na talaga nakayanan ng katawan niya.  Masyado ng mahina ito para lumaban pa. I'm sorry, maiwan ko muna kayo." Dahil sa sinabi niyang yun ay kaagad naman akong napaiyak hanggang sa lumabo na ang mga mata ko dahil sa mga luha, naghihina ako, nahihilo. Dumidilim na rin ang paningin ko hanggang sa bigla akong matumba pero bago pa ako lumapat sa sahig ay may sumalo na kaagad sakin. Pagkatapos nun ay dumilim na ang paligid.

KYLER'S POV:

Habang kumakanta kanina at ngumingiti ang babaeng mahal ko ay hindi ko maiwasang hindi humanga sa angking kagandahan at talento nito.

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now