Chapter 42: Confirmed

2.9K 80 23
                                    

Hello readers! Alam kong nagbabasa kayo or guni-guni ko lang yun? Haha. Joke lang po. By the way, Enjoy this chapter and please. Paki vote naman po kahit napapangitan kayo. Kahit silent readers, please? Haha. Charing. Good friday ngayon guys, kailangang magpakabait kahit hindi ako ganun. Enjoy!

Rain's outfit is on the multimedia.

RAIN'S POV:

Nagising na ako na ramdam ang pagkahilo at pagkasuka kaya dali-dali akong bumangon sa higaan ko at dumiretso sa banyo.

Binuksan ko ang toilet bowl saka sumuka ng sumuka dito. I flushed the toilet saka naghilamos ng mukha at kamay sa faucet pagkatapos.

Ang bigat ng pakiramdam ko, parang nagbuhat ako ng ilang sako kahapon which is hindi naman nangyari. Ang sakit rin ng ulo ko. Napakapit na lamang ako sa mga pwede kong kapitan habang hawak-hawak ang noo ko at nakapikit.

Nang maabot ko ang kama ay dahan-dahan akong nahiga at pinakiramdaman ang aking sarili. Kinapa ko rin ang phone ko sa side table at tiningnan ang date kong kailan sana ako dadatnan ngunit laking gulat ko ng mapagtanto na sobrang late ko na pala.

May posibilidad ba na tama sina Joyce at Cheryl? Buntis nga ba ako? Napatingin ako sa sarili ko. Medyo nga lumaki ang breasts ko which is napakahirap paniwalaan dahil hindi ito ganun ka laki. I'm not saying na super flat ako ah. Meron naman akong laman pero hindi ganun ka laki habang ngayon, lumaki na ata. Hay, kailangan ko nang magpalit ng bra size.

Naku naman, kapag naging okay na ang pakiramdam ko ay kailangan kong pumunta sa doctor. I want to clarify everything.

I dialed the number of Joyce at kaagad naman itong nag ring saka may sumagot.

"Hello, Rain? May kailangan ka ba?" Tanong nito.

I sigh at tinatagan ang sarili ko. "Yes, please book an appointment with our best obstetrician gynecologist, Dr. Magallanes." Sagot ko dito.

"Yun lang naman pa--Wait! What?" Dahil sa gulat ay napasigaw pa ito kaya nailayo ko tuloy ang phone sa tenga ko pero kaagad ko rin namang ibinalik pagkatapos.

"Pwede ba, Joyce? Tigil-tigilan mo nga yan!" Saway ko pa dito. "Sige na, gawin mo na. Kung ano man ang maging resulta ay tatanggapin ko."

Narinig ko ang pagbuntong nito. "Sorry, nadala lang ako ng emosyon ko pero sige, Rain. Kung yan ang desisyon mo ay susuportahan kita. Magpapa-appointment na ako ngayon din. Pumunta ka mamaya ah." Saad nito at narinig kong siya na mismo ang nagbaba ng tawag.

Umidlip pa ako ng kaunti saka napagtantong okay na naman ang pakiramdam ko kaya bumangon na ako at naligo. Inayos ko ang sarili ko saka nagsuot ng isang black jeans, white shoes and stripe Black and white croptop. Nagdala na rin ako ng isang bag saka lumabas na nang bahay, sakto at wala na si Kyler. Nasa eskwelahan na siguro.

Dali-dali akong lumabas ng pinto saka pumunta sa garahe at pumasok sa kotse ko. Pinaandar ko ito saka dinala sa clinic ng kilala kong doctor na pinagawan ng appointment ni Joyce.

Bumaba ako sa kotse at saka pumasok sa loob ng ospital. Medyo kaunti ang nakakalat na pasyente at nurses sa paligid, malaki naman kasi itong ospital. Madaming floors kaya malamang sa malamang ay nasa iba't-ibang floors ang mga tao. Hindi ko na lamang pinansin saka dumiretso nalang sa pupuntahan ko.

Pagbukas ko ng pinto ay kaagad na bumungad sakin ang nakangiting mukha ni Dr. Magallanes.

"Young lady!" Tawag nito sakin at halata sa boses nito ang galak.

"Doctor, nice to see you again." Ani ko saka ngumiti dito.

"Oh, me too. Please seat down at may pag-uusapan tayo." Aya nito sakin kaya naupo ako sa upuang nasa harap ng mesa nito.

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now