Chapter 51: Back To The Old House

4.3K 103 26
                                    

Medyo feel ko tong update na ito ngayon. Salamat sa suporta guys, ituloy niyo lang po. Enjoy reading!

BRYNEL'S POV:

Nagising ako bigla dahil ramdam kong may nakadagan saking mabigat na bagay. Ano naman ito?

Pagmulat ko ng mata ay bumungad saking harapan ang ulo ng anak kong lalaki. Napangiwi naman ako, akala ko talaga bagay. Tao lang pala eh, at anak ko pa. Nakatingin lang ako dito hanggang sa mapatakip ako bigla dahil sa boses ni Liam na nakapasok na pala sa kwarto ko.

"KURT! GET UP! BAKIT KA NATUTULOG DIYAN SA IBABAW NI MOMMY? DIDN'T I TOLD YOU THAT YOU ARE TOO OLD FOR THAT!" Dumadagundong ang boses nito sa apat na sulok nitong condo unit namin. Ewan ko lang kung pati sa labas at sa kabilang unit ay rinig pa rin ito.

Kaagad namang napabalikwas ng bangon si Raven at napatalon sa kama habang nakapikit pa. Humahagos itong tumakbo palabas at ng tumapat siya kay Liam ay kaagad niya itong hinigit at dinala palabas.

Wala namang nagawa ang isa kundi magpatangay. Nangunot maman kaagad ang noo ko kaya dali-dali rin akong lumabas ng kwarto para sundan sila at nakita ko na lamang na lumabas na pala ang dalawang yun sa pinto ng condo.

Malapit na sana ako sa nakabukas na pintuan ng biglang manlaki ang aking mga mata dahil sa narinig mula sa labas.

"NASAAN ANG SUNOG? MOM! LIAM! MAY SUNOG! TULONG!" By the sound of it, boses yun ni Raven. Hala, anong nangyayari sa dalawang anak ko?

Dali-dali naman akong lumabas at nakitang marami ng nagkukumpulang mga tao na pinagigitnaan ang kambal. Seriously? Napahilot na lang ako sa noo dahil sa pinanggagawa nilang dalawa. Ang sakit nila sa ulo, grabe!

Napabuntong-hininga ako at lumapit na din ng konti sa mga ito.

"Walang sunog, Kurt! Ano ba naman! Stop it!" Naiinis na saway dito ni Liam habang si Raven ay halatang kinakabahan na.

"No! I heard someone shouted earlier!" Pangongontra pa nito sa sinabi ng kapatid.

"Nasunogan kayo, baby boy?" Tanong naman ng isang babae na sa tingin ko ay taga kabilang unit lang.

Hinarap ito ni Liam at tiningnan ng seryoso. "Pasensya na po, overacting lang ang kapatid ko. Hindi po kami nasunogan." Sagot nito sa babae.

"Sigurado ka ba, hijo?" Nag-aalalang tanong naman ng isang lalaking sa tantiya ko ay nasa mid-40's na.

"Opo." Seryosong sagot nito.

"No! Someone really shouted!" Pangungulit pa nito pero dahil alam kong naiinis na si Liam, hinawakan na nito ang kamay ng kakambal niya saka hinigit na papunta sa direksyon  ko. Pagkakita nila sakin ay kaagad silang napahinto habang seryoso naman akong nakatingin sa kanilang dalawa dahilan para sabay silang mapalunok.

Binawi ko ang aking atensyon mula sa kanila at tiningnan ang mga taong nagkukumpulan pa rin at nakatingin samin.

"I'm sorry for the inconvenience, everyone. Wala talagang sunog na nangyari, my child is just overreacting dahil naalimpungatan siya sa gulat habang natutulog. You can go back to your places and businesses now, thank you." Mahinahon kung saad sa mga ito. Kaagad naman silang tumango at ang iba ay ngumiti pa habang unti-unting nawawala sa paningin ko.

Nang wala na akong makitang tao ay tiningnan ko na ang dalawang salarin sa naganap na gulo ngayon. "Get inside you two." Matigas na utos ko sa mga ito. Tumalima naman silang dalawa at pumasok sa loob ng condo. Kaagad akong sumunod hanggang sa makita ko na lang silang nakaupo sa couch dito sa sala.

Nakayuko ang mga ito at halatang guilty sa kanya-kanya nilang atraso sakin. Umupo ako sa couch na nasa harapan nila at nag cross arm na lang habang nakatingin sa kanila.

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now