CHAPTER 26

9.2K 123 19
                                    

A/N: New comments please? :)





Kate


Nandito ulit kaming magkakaibigan sa garden. Kulang nga lang kami ng isa. May kanya-kanya na naman silang ginagawa. Sinusubukan ko rin namang magpaka-busy para hindi ko maisip ang mga nangyari. Kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin makalimutan iyon.


Hindi ko siya nakita buong araw dito sa university. Hindi yata siya pumasok. Masyado na ba akong nagpaapekto sa nangyari? Masyado na bang OA ang hindi ko pagpansin sa kanya at ang hindi ko pakikinig sa paliwanag niya?


Nasaktan din naman kasi ako sa nangyari. Pero kasalanan ko bang hindi siya pumasok ngayon? Ibig sabihin ba nito, nagsawa na siya sa akin? Ibig sabihin ba, tapos na talaga kami?


Bigla na lang may tumulo sa librong hawak ko. Dahil doon, pinunasan ko kaagad ang mata ko. Ayaw ko kasing makita ng mga kaibigan ko na umiiyak na naman ako. Sigurado kasing magtatanong na naman ang mga ito kung anong nangyayari sa akin.


Heto na naman ako. Bakit napakabigat na naman ng pakiramdam ko? Bakit pakiramdam ko, ako na 'yung mali ngayon? Masyado na ba akong nagpadala sa emosyon ko?


"Ay, oo nga pala!" bigla na lang kaming napatingin kay Nico dahil sa biglaan niyang pagsasalita.


"Guys, may tickets ako para sa ating lahat! Tara! Manood tayo ng play sa university theater ngayong 3 pm" pag-aaya ni Nico sa amin.


"Teka, paano ka nakakuha niyan? 300 pesos ang isang ticket, diba? Anong nangyari sa allowance mo?" pagtataka naman ni Yannie. Tumingin si Nico kay Derick.


"Ah, binigay lang 'yan ng chairman ng organization na Teatro Peregrine sa amin para daw manood tayo. VIP daw tayo doon" sabi naman ni Derick.


"Finally! Masusubukan ko na ring maging VIP!" sabi naman ni Kerry habang tuwang-tuwa.


"2:40 pm na. Ano na? Tara na ba? Baka maya-maya lang, isara na nila yung pinto ng theater" sabi naman ni Lia. Dahil doon, nagsitayo na kami at naglakad na rin kami papunta sa theater ng university.


Wala namang mawawala kung sasama ako sa kanila sa panonood, diba? At least, kahit dito man lang, makalimutan ko ang mga iniisip ko.


Pagdating namin, punong-puno ang theater. Dahil VIP kami, nasa malapit kami sa stage at may isang hilera ng upuan na naka-reserve para sa amin. Pag-upo namin, nagsara na ang mga ilaw.


Teka, bakit parang napakaaga naman yata? Tumingin ako sa relo ko. 2:50 pm pa lang naman. Akala ko ba, 3 pm ang palabas? Anong nangyari sa protocol ng theater organization?



Dylan


Nasa likod ako ng stage at hawak ko na ang cordless mic. Ipinakiusap ko na ito sa Teatro Peregrine organization last weekend. Pumayag naman sila sa hiniling ko. Nalagyan ko na rin ng captions ang footage ng CCTV para mabasa rin nila kung paano nangyari ang lahat.

They Meet Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now