CHAPTER 22 (part 1)

9.5K 108 15
                                    

A/N: Comments please? :)

#TMAWattpad





Kate


Tumawag si Dylan kanina. Sabi niya, pupunta daw kami sa mall. Ewan ko kung anong naisipan niyon kaya bigla na lang nagyaya. Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos ng sarili ko, nakarinig ako ng katok sa pinto ko.


"Sino po 'yan?" tanong ko. "Anak, Dylan's here" si mommy pala. "Sige po, pababa na rin po ako" sabi ko naman. Agad ko nang kinuha ang cellphone ko at inilagay na ito sa loob ng purse ko.


Bago ako lumabas ng kuwarto, tumingin muna ulit ako sa salamin. Bakit parang may kulang? Tinignan ko ang damit ko at doll shoes ko, maayos naman. Tinignan ko ang mukha ko, okay naman. Ano nga bang kulang?


Ah, oo. Wala 'yung confidence ko lalo na't ito siguro ang kauna-unahang pagkakataon na dalawa lang kaming magkasama ang pupunta sa isang pampublikong lugar. Dati kasi, kasama namin lagi ang barkada pag nagpupunta sa mga ganito. Pagbaba ko ng hagdan, si mommy lang ang nakita ko.


"Ma, nasaan si Dylan?" tanong ko sa kanya. "Nasa labas, anak. He's waiting for you. Excited yatang masyado sa lakad niyo kaya ayaw nang pumasok dito" tumawa si mommy. "Ma naman" sabi ko sa kanya dahil alam kong nang-aasar na naman siya.


"Oh siya, you better go. Ingat!" sabi ni mommy at nagbeso pa muna kami bago ako lumabas ng bahay. Paglabas ko naman, nakasandal pa si Dylan sa Mustang GT niya.


"Yabang ah. Porke't ikaw lang ang may kotseng ganyan dito sa subdivision eh" sabi ko sa kanya habang papalapit sa kanya at tumatawa. Ngumiti naman siya at binuksan ang pinto sa shotgun seat.


Nang nakapasok na ako, nagsalita naman siya. "Hindi naman 'yung kotse ko ang pinagyayabang ko eh. Ikaw" at sinara na niya ang pinto sa gilid ko.


"Corny mo!" sinubukan ko pang sumigaw mula sa loob ng kotse habang tumatawa. Malamang namumula na naman ako ngayon. Pagtingin ko naman sa kanya, aba! Napakalapad na naman ng ngiti niya! Buwisit talaga 'tong lalaking 'to. Hindi na tumigil sa pagpapakilig.


Pagdating namin sa mall, naisipan muna naming mag-lunch dahil tanghali na rin naman. Pagkatapos naming kumain, nag-ikot-ikot lang kami sa mall. Hindi ko nga alam kung ano pa ang iba naming gagawin dito eh.


"Kate, ilan ang balikat ko?" pagtatanong ni Dylan habang naglalakad kami. "Ang weird ng question ah. Bakit? Nag-deteriorate na 'yung mathematical abilities mo? Haha" sabi ko naman sa kanya habang tumatawa pa rin.


"Panira ka talaga ng diskarte, Kate" sabi niya habang naka-poker face. Maglalakad na sana siya ulit pero agad kong hinila ang shirt niya mula sa likod kaya bumalik siya sa tabi ko.


"Joke lang naman kasi! Malamang dalawa 'yung balikat mo" sabi ko naman sa kanya. Bigla naman siyang ngumiti nang nakakaloko.


"Hindi, Kate. Diyan ka nagkakamali" sabi naman niya. "At bakit?" tanong ko naman.


"1,2" pagbibilang niya sa balikat niya. "3,4" pagbibilang din naman niya sa balikat ko at sabay akbay sa akin.


"Tsk! Mga strategy mo talaga" sabi ko naman sa kanya. Pero sa totoo lang, sa loob-loob ko, kinikilig talaga ako. "Tara na nga" sabi naman niya habang tumatawa at naka-akbay pa rin sa akin.


Habang naglalakad kami sa mall, napadaan kami sa isang grupo ng mga lalaki na wala namang ginagawa sa gilid ng mall at parang nagpapalipas lang ng oras. Tinignan ko sila at ngumiti naman sila. Naging dahilan naman 'yun para ma-conscious ako sa sarili ko.


Bigla ko na lang naramdamang humigpit ang pagkakaakbay ni Dylan sa akin at mas hinila pa niya ako papalapit sa kanya. Pagtingin ko sa mukha niya, nakasibangot na naman siya. Naku, ito na naman po. Nang nakalayo na kami doon, bumalik na sa normal ang pag-akbay niya sa akin.


"Protective much?" sabi ko sa kanya habang tumatawa. Tumigil kami sandali at tinanggal niya ang pagkaka-akbay niya sa akin.


"Badtrip 'yung mga 'yun. Ang sarap tuhugin ng mga mata nila at ipa-prito doon sa nagtitinda ng fishball at squidball sa labas" sabi ni Dylan habang halatang naiinis pa rin. Dahil nakasibangot siya, kinurot ko na naman ang magkabila niyang pisngi.


"Sus! Nagagalit ka doon sa mga 'yun, eh walang wala naman sila kumpara sa'yo!" sabi ko sa kanya at sabay tanggal ng pagkakakurot ko sa pisngi niya. Nakita ko naman siyang ngumiti.


"Dahil ikaw na ang nagsabi niyan, maniniwala na ako" sabi naman niya habang nakangiti. Inakbayan na niya ako ulit at nagpatuloy na kami sa paglalakad.


Pumasok kami sa isang jewelry shop na nadaanan namin sa mall. Sabi kasi ni Dylan, may pinagawa daw siya dito. Habang kinukuha at binabayaran niya 'yung pinagawa niya, tumitingin lang ako sa mga gilid-gilid ng necklaces.


Narinig ko pang 10,000 pesos yung binayaran niya. Na-distract ako nang may nakita akong isang necklace na may pendant na cute na piggy. Naalala ko tuloy ang keychain na ibinigay ko kay Aki noon. Naku, heto na naman ako sa pag-iisip ng tungkol kay Aki. Baka mamaya mainis na naman itong overprotective na selosong nilalang na kasama ko dito.






They Meet Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon