CHAPTER 14

10.9K 122 10
                                    

A/N: Comments please? :)

#TMAWattpad





Dylan


Pagkatapos ng lahat ng mga klase ko, naisipan kong pumunta na muna sa cafeteria para ibili ng pagkain si Kate. Hindi naman talaga siya matakaw. Hindi rin siya mataba. Gusto ko lang talaga siyang asarin.


Pero alam ko naman talagang madalas na siyang walang oras sa pagkain ng tanghalian. Inuuna kasi ang academic stuff bago ang sarili. Hindi ko na nagugustuhan ang pagpapabaya niya sa sarili niya.


Sa ilang buwan na naming pagkakaibigan ni Kate, hindi ko rin naman naiiwasang mag-alala para sa kanya. Parang para sa kanya, mas mahalaga pa ang ibang tao at ibang bagay kaysa sa sarili niya. Masyado siyang selfless. Masyado niyang iniintindi ang ibang bagay.


Noong mga nakaraang araw, kapag kinakausap ko siya sa garden habang wala kaming klase, sumasagot siya nang matipid at pagkatapos niyon, ipapatong na niya ang mga braso at ang ulo niya sa table ng garden. Bigla ko na lang napagtatanto na wala na akong kausap dahil tulog na siya.


Kapag nagigising naman siya, madalas ko siyang tinatanong kung okay lang ba siya. Madalas naman niyang sinasabing okay lang siya pero alam kong hindi totoo iyon.


Nagtatanong rin kasi ako kay Lia at kadalasan din niyang sinasabi sa akin na buong gabing hindi natutulog si Kate para lang sa requirements niya. Dahil doon, halos gusto ko nang kausapin ulit si mommy tungkol sa pinapabigay na requirements ng mga professor dito.


Kadalasan kasi, hindi na reasonable ang requirements lalo na kapag sabay-sabay ang deadlines. Noong unang pagkakataong sinabi ko sa kanya na nahihirapan ako sa requirements dito sa university, sinabi lang niya sa akin na "You need to study harder, anak. You have to do your requirements and you have to meet their expectations."


Paano pa ngayong nahihirapan na rin pati si Kate? Siguro naman gagawa na rin siya ng paraaan para dito.


My mom has grown fond of Kate. Mabait naman kasi talaga siya at nagustuhan siya ni mommy hindi lang sa enthusiasm niya sa pag-aaral kundi pati na rin sa pagtrato niya sa ibang tao.


Iyon nga lang, iba pa rin talaga pag pinagsama kami ni Kate. Madalas lang kasi kaming nag-aasaran kahit pa sabihin na magkaibigan kami.


Isa pang dahilan ni mommy kung bakit nagustuhan niya si Kate, parang may naaalala daw siya tuwing nakikita niya siya. Pero wala na rin naman akong pakialam doon. Baka anak lang ng mga amiga niya na pilit niyang nirereto sa akin.


Ayaw ko lahat ng mga ipinapakilala niya sa akin. Kadalasang ipinagmamalaki ng mga magulang nila ang "kagandahan" ng mga anak nilang nirereto sa akin. Pero sa totoo lang, walang wala sila kay Kate.


Aminin ko man o hindi, perpekto si Kate. Mabait, matalino, maganda, nasa kanya na ang lahat. Ilan iyon sa mga rason kung bakit kailangan ko siyang ipagdamot bilang kaibigan.

They Meet Again (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora