SPECIAL CHAPTER

8.6K 174 17
                                    

Five Years Later...

"Happy Birthday Eleusis!!" Masayang bati ng mga kapatid ni Dennis Alejandro sa anak ko. Bumati rin sina Senyora Dennise Claire at Senyor Anton sa unang apo nila. Andun din ang mga anak nina Dennisandra at Train na ngayon ay tatlo na at kasalukuyang nagbubuntis sa baby number four nila. Three years na kaming umuwi ng Pilipinas dahil dinala kami ni Dennis dito para makapagsimula ulit. Kahit na sumama kami ni Eleusis sa ama niya ay magkaiba naman kami ng bahay na tinutuluyan. Tinutupad naman ni Dennis na araw-araw ay liligawan niya ako. Nagtatrabaho pa rin naman ako at lahat ng desisyon ko ay iniintindi ni Dennis. Ipinapakita niya kung gaano niya ako kamahal. Nagtiyaga siya para bumalik kaming muli ni Eleusis sa buhay niya. Hindi naman kasi iyon ganun kadali. Gusto ko kasing magamot iyong mga sugat bago magsimula ulit.

Wala ng bisa ang kasal nila ng dati niyang asawa na si Nimfa dahil hindi iyon naipasa sa National Statistics office dahil nga sa pagkamatay niya kuno sa araw ng kasal nila ni Vince. Nimfa now was already married to Attorney Vince Beunavista na limang taon ng nakalaya who happened to be Dennis Alejandro's cousin. Isa din pala itong del Rio na matagal nang itinago ni Tito Miguel sa buong angkan.

Masaya ang buong pamilya ni Dennis Alejandro sa kaarawan ng anak ko. Kumpleto ang buong pamilya. Andun din si Nimfa at Vince and Nimfa now is pregnant of their first baby. Nakikita ko sa kanilang dalawa kung gaano sila kasaya. They deserved the happiness na matagal din nilang ipinaglaban. Naging magkaibigan kami at lahat kami ay nakapag-moved on na sa nangyari.

"What are your wishes apo?" Tanong ni Senyora Dennis.

Ngumiti ang anak ko at saka tumingin sa amin ng ama niya. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Dennis sa kamay ko and it brings warmth in my whole being. Walang nagbago sa nararamdaman ko para sa kanya kahit na ilang taon pa ang lumipas at sa katunayan ay lalo pang nadagdagan iyon sa pagdaan ng panahon.

"My wish is that..I want to have a baby brother or a baby sister! Para po may kalaro na po ako kasi big boy na po ako." Wika nito.
Napamaang naman ako.

Nagtawanan ang lahat.

"Paano ba yan Yumi? Hiling iyan ng anak mo! Pakasalan mo na kasi si Kuya para magkaka-baby number two na kayo." Wika ni Dennisandra.
Pakiramdam ko ay namumula ang buong mukha ko lalo na namg tudyuin nila akong lahat. Lalo namang hinigpitan ni Dennis ang kamay ko.
I looked at him and he just grinned at me. Pahiyang-pahiya ako.

"Don't worry baby, wala namang bagay na hindi binibigay si Mommy at Daddy sayo diba? Tutuparin namin yan ng Mommy mo, right Hon?" Wika ni Dennis. Napalunok ako. Pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hininga.

"Oh yeah!! Pakpakan na bells! Warakin na ang pekpek para makabuo!" Biglang wika ni Denver.

"Denver! Ano ka ba! May mga bata dito oh! Kung anu-ano nalang yang lumalabas sa bibig mo!" Awat ni Senyora Dennise.

"Tito, I wanna eat pekpek." Biglang wika ni Orion na anak nina Dennisandra at Train.

We all laughed hard.

Sinapak ni Dennisandra si Denver.

"You're such an idiot Denver Claud!" Wika ni Dennisandra.

Nag-peace sign naman si Denver.

Nagkatuwaan ang lahat pagkatapos.
Iyong mga bisita ni Eleusis ay puro mga bata ay naglalaro na sa pool. Habang ang iba ay nasa sala at nagkakatuwaan.

Kinausap naman ni Dennis si Senyor Anton and maybe it's all about their business.
Nakita ko si Sandy sa may gilid ng pool. Pinapanood niya ang kanyang mag-ama na naglalaro sa pool kasama ang mga batang bisita ni Eleusis.
Nilapitan ko siya. Ang laki na ng tiyan niya. Seven months na iyon at malamang mabigat na yun.

My Husband's Wife #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon