Kabanata 13-And you've been trying for so long To find out where your place is

8.9K 232 1
                                    

Two years later..

"Mang Gido, pakikuha nitong malaking frame ni Nimfa dito at saka itago mo doon sa bodega. Palitan mo ng bago kong pina-frame na wedding picture namin ng asawa ko." Utos ko sa driver namin.

Hawak-hawak ko ang pitong buwan na tiyan ko. Dalawang taon na kaming kasal ni Dennis at magkakaanak na kami and I thought it was that easy as I was imagining it before pero nagkamali ako.

Lumipat kami sa sarili naming bahay at bumalik na sa trabaho si Dennis. Akala ko magiging masaya na ako sa piling niya but right now I am now carrying the benefit of the doubt.

Ang pagmamahal ko sa kanya ay hindi ko pinagduduhan pero ang pagmamahal niya ay matagal ko ng pinagduduhan simula nung honeymoon namin.

Lahat nalang ng galaw ko ay pinapakialaman niya. Every now and then sasabihin niyang ganito, ganyan ang gagawin mo kasi ganyan si Nimfa. Nung una ay hindi ko naman pinapansin kasi naiintindihan ko siya. Kasi mahal ko siya at naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Matagal kasi siyang hindi naka-moved on sa dati niyang asawa at alam ko na sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari sa asawa niya noon. At saka kasalanan ko rin naman dahil pumayag kaagad ako na magpakasal sa kanya kahit na alam ko naman na masyado pang maaga para sa aming dalawa.

Kasalanan ko kaya paninindigan ko at saka hangga't mahal ko siya ay handa akong umintindi.

Pero ngayon na dalawang taon na ang nakalipas parang hindi naman tama.

"Ma'am baka ho magagalit si Sir." Wika ng driver.

Namaywang ako.

Naiirita na kasi ako sa pamamahay namin dahil dalawang taon na kaming tumira dito pero andito pa rin lahat ng larawan ni Nimfa mula sa sala, sa kusina at maging sa kwarto naming mag-asawa. For God's sake! Matagal ng patay si Nimfa at ako na ang asawa ni Dennis ngayon ngunit pakiramdam ko allien pa rin ako sa pamamahay na to!

"Hindi mo rin ba ako susundin Mang Gido? Iyan din ba ang iniutos sayo ng asawa ko?" Gusto kong magalit. Napapakuyom na ako ng mga palad ngunit pinigilan ko lang ang sarili ko dahil nag-alala din ako para sa magiging anak ko.

Nakaka-insulto na nga ang lahat ng bagay na nagpapaala dito kay Nimfa pero nilunok ko lahat dahil umaasa ako na balang araw ay makikita rin ni Dennis na nasasaktan ako dahil ako na ngayon ang asawa niya.

"Pa-pasensiya na po Ma'am. Masusunod po ang utos niyo." Wika nito at saka kinuha ang malaking frame ng mukha ni Nimfa.

I stared to the frame.

She's really beautiful and innocent. No wonder kung bakit baliw na baliw ang asawa ko sa kanya na kahit ilang taon na ang nakalipas ay hindi pa rin niya ito mabitaw-bitawan.

"Hon! I'm home! Nasa--oh! Mang Gido saan mo dadalhin iyang frame ni Nimfa?" Biglang dumating si Dennis at saktong bitbit na ni Mang Gido ang frame para ilagay na sana sa bodega.

Nag-iba kaagad ang hitsura niya na para bang gusto niyang manuntok ng tao.

Nagyuko ng ulo si Mang Gido.

"S-sorry po Sir." Wika ni Mang Gido.

Nagulat ako nang kinwelyuhan ni Dennis ang huli. Takot na takot si Mang Gido.

"I told you! No one will throw away the memorable things in my house!!" Galit na wika ni Dennis.

"Dennis Stop it! Please stop!! Ako ang may kasalanan! Inutusan ko siya!" Sigaw ko habang hawak-hawak ang tiyan ko.

Pabalya niyang binitawan si Mang Gido at saka galit na hinarap ako.

"Yumi, alam mo naman na importante sa akin ang--" binara ko siya.

My Husband's Wife #Wattys2019Where stories live. Discover now