Kabanata 14-I'd make you give them all to me,'Cause I'd surrender everything

9K 227 0
                                    

Vein..

Parang familiar sa akin ang pangalang iyon. Hindi talaga ako mapakali.

Gabi na pero heto pa rin ako. Nagpalakad-lakad sa kwarto namin ni Dennis.

Ilang araw na akong ganito simula nang banggitin ni Miss V ang totoong pangalan niya.

Vein ba talaga o may karugtong pa ang pangalang iyon?

Isang taon na akong nag-alaga sa kanya at ngayon ko lang nalaman na Vein ang pangalan niya. Miss V lang kasi ang alam ko kasi iyon ang tawag sa kanya ng mga katulong ni Mr. Buenavista.

Sa kakalakad ko ay nasagi ko ang isa sa mga picture frames ni Nimfa na nakalagay sa wall ng kwarto namin ni Dennis. Pinulot ko iyon.

Napatingin ako sa nakasulat sa likod ng frame.

Nimfa Vein Figueroa

Napakunot noo ako at saka napamaang. Tinitigan ko ang larawan niya.

Impossible!

Hindi naman sila magkamukha at saka matagal ng patay si Nimfa kaya imposibling siya si Miss V. Malayong-malayo ang hitsura nila. Pareho nga lang sila na may nunal sa cheeks tulad ko.

Napapailing na ibinalik ko ang frame sa kinalalagyan niyon at baka mamaya magagalit na naman si Dennis dahil pinapakialaman ko ang frames ni Nimfa.

Napabuntong hininga ako.

Ang dami ko na ngang iniisip ay dadagdagan ko pa.

Kumuha ako ng towel at saka nag-shower sandali para ma-refresh ang sarili ko.

Iwinaglit ko na lang sa isipan ko ang totoong pangalan ni Miss V.

Nakatulog ako nang hindi katabi si Dennis. Hindi pa naman kasi kami bati. Hindi naman siya gumawa ng paraan para magkabati kami at saka pagod na ako sa pagsusuyo sa kanya.

Kinabukasan ay nagising ako ng may naramdaman akong humahaplos sa pisngi ko.

Napamulat ako at nakita ko ang nakangiting mukha ng asawa ko. May dala siyang flowers--hindi nga lang ang paborito kong flowers kasi nga wala siyang alam sa mga paborito ko.

Napabangon ako at saka kinuskos ang mga mata ko at saka tumingin sa kanya.

"Happy Sunday, Hon. I'm sorry for what I did." Wika niya.

Marahan akong napangiti. Wala eh! Simpling sorry lang niya ay natutunaw na kaagad ang puso ko.

Kahit anong pagkakasala niya sa akin ay asawa ko pa rin siya at mahal na mahal ko siya at hindi magbabago iyon.

Ibinigay niya sa akin ang flowers na may kalakip na love letter. It's so cheessy but I found it romantic.

"Good thing it's Sunday." Wika ko.

Napakunot noo siya.

"Why?" He said.

"Dahil masosolo kita dahil hindi mo dadalawin ngayon si Nimfa." Wika ko.

Malungkot siyang tumingin sa akin at saka hinagkan ako sa noo at hinaplos ang tiyan ko.

"I'm sorry kung nahirapan ka but Yumi, alam mo nama--"

"Pssshh.. let's not talk about it. Sasama lang ang loob ko. It's better to be like this kahit sandali lang. Alam ko naman kung ano ang lugar ko sayo eh." Parang may bumikig sa lalamunan ko.

He hold my hand.

Tumayo ako para hindi na humaba pa ang pag-uusap namin. Sorry is enough pero ang sabihin niya na intindihin ko muna siya dahil hanggang ngayon ay mahal na mahal niya pa rin si Nimfa ay sobra na. Kaya hangga't kaya ko ay ako na lang ang iiwas sa mga usaping ganun. Natatakot kasi ako na marinig mula rito ang katotohanan. Mas masakit kasing marinig ang katotohanan eh. Mas mabuti na rin iyong nagbibingihan at nagbulagbulagan ako para sa aming dalawa.

My Husband's Wife #Wattys2019जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें