Kabanata 9-A thousand dreams I still believe

9.3K 237 3
                                    

"Anong pangalan mo hijo?" tanong sa akin ng ama ni Yumi. Ngumiti ako at inilahad ang kamay ko dito. Katatapos lang yata nilang mag-usap na mag-ama pagkatapos nitong sabihin sa akin na isa akong baliw. Aaminin kong na-offend ako pero naiintindihan ko ang ama nito. Totoo naman talaga. Nababaliw ako kaya ako inalagaan ni Yumi.

"Dennis Alejandro po, Sir." wika ko. Tinitigan niya ako na tila ba kinikilatis niya ang buong pagkatao ko. Umupo ito sa katapat na upuan.

"Kailangan muna kitang kilatisin. Mahal ko ang anak kong si Yumi at lahat ng lalaking umaaligid sa kanya ay dadaan muna sa akin. Alam mo bang bihira lang yang si Yumi magdadala rito ng lalaki? At ang lalaking dinadala niya rito ay boyfriend niya o di kaya'y fiance niya kaya hindi na ako magtataka na may relasyon kayo ng anak ko." Diritsahang wika nito.

"Pa!" Mula sa likuran nito ay umawat si Yumi sa ama.

"Shut up Yumi! Hindi ikaw ang kinakausap ko kaya tumahik ka diyan!" Wika ng ama niya.

Napalunok ako.

What is going on?

Napapailing ako.

"N-nagkakamali po kayo Sir." I paused. Kunot noo itong nakatingin sa akin. "Yumi is just a friend." Pagpapatuloy ko.

Matagal bago nagsalita ang ama nito.

Natahimik naman si Yumi.

"Ako ba'y pinagloloko ninyong dalawa, Yumi?! Bakit ka nagdala ng lalaki dito gayong wala naman pala kayong relasyong dalawa?" Wika nito.

"I'm sorry po. A-ano k-kasi--"

"Pasensiya na pero ako po ang nagpumilit kay Yumi na sumama dito. Nabagot na po kasi ako sa bahay Sir." Wika ko.

Tinitigan ako ng matanda at pagkaraan ng ilang sandali ay napatango-tango ito.

"Pasensiya ka na hijo. Hindi lang ako sanay na may dinadalang lalaki itong anak ko. Yumi, kumuha ka ng maiinom diyan." Wika nito.

Napapadyak si Yumi.

"Pa naman eh! Bawal uminom iyang si Seniorito. Wag ka ngang ganyan Pa." Wika ni Yumi. Habang ginagawa niya iyon ay nakatingin lang ako sa kanya and suddenly I remembered my wife, si Nimfa. May mga kilos si Yumi na nakakapagpapaalala sa akin sa asawa ko. Namimissed ko lang siguro si Nimfa kaya ako nagkakaganito kay Yumi.

Ngumiti ako.

"Bakit, sinabi ko bang mag-iinuman kami Yumi? Nakung bata ka. Ikuha mo na lang kami ng kape o di kaya'y juice at nang may mainom naman kami dito." Wika ng matanda.

Napagikhik si Yumi. Nakatitig lang din ako sa kanya.

"Seniorito, okay ka lang?" Naipilig ko ang aking ulo nang mapatingin ang dalawa sa akin.

"It's just...I just remembered my wife because of you Yumi." Hindi ko napigilang wika.

"Ay putang ina pala to Yumi! May asawa ka na pala eh bakit ka sumasama sa anak kong gago ka?! Gagawin mo bang kabit ang anak ko Mr. del Rio?!" Napatayo ang Papa ni Yumi at saka kinwelyuhan ako. Agad namang hinila ni Yumi ang ama.

"Pa! Wag ano ba?! Tumigil ka nga Pa!" Awat ni Yumi dito.

Nakatingin lang ako sa kanila. Hindi ko naman malaman kung ano ang gagawin ko. Papatayin na siguro ako ni Mr. Masipag.

"Eh gago yan eh! Hindi porque't mahirap lang tayo ay ganun ganun na lang!" Wika ng matanda.

"Mali naman kasi ang iniisip mo Pa. Masyado ka namang exaggerated!" Wika ni Yumi. Hinarap ng matanda ang anak.

My Husband's Wife #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon