Kabanata 15-You don't need to hide it anymore

8.7K 226 0
                                    

"Kailan ba ang kabuwanan mo Miss Yumi?" Tanong sa akin ni Attorney Buenavista. Andito ako ngayon sa bahay nila for Miss V's therapy.

"Two months from now po Attorney." Wika ko.

"Sabihin mo lang kung nahirapan ka na dahil pwede naman akong kumuha ng bagong nurse para sa asawa ko. Maiintindihan ko Miss Yumi." Wika nito.

Mabait naman si Attorney kaya lang ay may nakikita akong kakaiba sa mga mata niya. Iyong parang may tinatago siya. Isa akong psychiatrist kaya alam ko kung paano basahin ang mga mata ng isang tao at nababasa ko rin ang behavior ng isang tao. Kakaiba talaga ang kutob ko sa kanya.

"Next month na po ako magli-leave Attorney. Don't worry, andiyan naman si Cocoi para sa therapy ni Miss V. Napag-uusapan na po namin ni Cocoi ang mga dapat niyang gawin para sa asawa niyo. Kahit naka-leave ako ay mag-a-update pa rin naman ako sa kalagayan ni Miss V." Wika ko.

Tumango siya nang tumunog ang phone niya.

"Excuse me Miss Yumi. I'll take this call." Wika niya at saka lumayo siya sa akin.

Naghintay nalang ako sa sala. Inayusan pa kasi ng katulong ni Attorney ang asawa kaya kinailangan kong maghintay.

Agad namang bumalik si Attorney na nagmamadali.

"Miss Yumi, maiwan na muna kita dahil may kailangan lang akong asikasuhin. Bababa na rin naman yung asawa ko." Wika nito sa akin.

Ngumiti naman ako at saka tumango.

"Okay po Attorney. Don't worry andito naman kami ni Cocoi at saka sasabihin ko na rin sa katulong niyo." Wika ko.

Tumango siya at saka nagmamadaling umalis. Napakunot noo naman ako na sinundan siya ng tingin.

Ganun ba talaga si Attorney? Masyado siyang busy pero kita ko naman ang sobrang pagmamahal niya para sa asawa. He always makes sure na nakakauwi siya sa tamang oras para may pagkakataon pa siyang maalagaan ang asawa.

One time I caught them in their garden. Inaalalayan niya si Miss V at saka kinukwentuhan at sa tuwing uuwi si attorney ay may dala talaga siyang bulaklak para sa asawa niya.

Natutuwa nga ako dahil kahit na naimbalido si Miss V ay nagtiyaga siya talaga na alagaan at mamahalin ito. Kung ibang lalaki pa yun ay baka humanap na ng ibang kapalit dahil alam nila na hindi maibibigay ng asawa nila ang pangangailangan nila bilang asawa.

Bilib din talaga ako sa pagmamahal ni Attorney sa asawa niya.

Napahugot ako ng isang malalim na hininga.

Para naman sa amin ni Dennis ay masaya ako dahil talagang tinupad niya ang ipinangako niya. Malaki na talaga ang ipinagbago niya.

Nung isang araw nagulat ako nang pag-uwi ko sa bahay ay wala na ang mga larawan ni Nimfa at napalitan na iyon ng mga larawan naming dalawa. Naiyak naman ako dahil dun. Gusto na raw niya kasi na kaming dalawa na lang at ayaw na niya akong masaktan pa. Hindi lang alam ni Dennis kung gaano ako kasaya sa pagbabago niya. I can call him mine. Hinahayaan niya kung ano ang gusto ko at gusto kong gawin.

Naputol ang pagbabalik tanaw ko nang marinig ko ang pagsisigaw ni Miss V. Napatayo naman ako.

Mula sa kwarto nila ng asawa niya ay lumabas ang katulong na takot na takot.

"Miss Yumi, tulungan mo ako! Si Miss V po nagwawala at saka umiiyak!" Wika ng katulong at siya rin namang pagpasok ni Cocoi na kagagaling lang sa garden dahil may kausap siya phone.

Agad naman kaming napasugod ni Cocoi sa kwarto ng mag-asawa and there we found Miss V. Nakasalampak siya sa sahig na humagolhol ng iyak.

Agad naman akong napasugod sa kanya. Dahan-dahan ko siyang hinawakan.

My Husband's Wife #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon