Kabanata 8-I think I could find the will

9.2K 239 2
                                    

"Ano bang gusto mong kainin, Seniorito?" tanong ko dito. Niyaya niya akong lumabas at kasalukuyan kaming nasa mall ngayon. Pinagbigyan ko na ang amo ko kasi naman para makapag-enjoy naman siya sa ibang bagay maliban sa mansiyon nila at para na rin makalabas siya ng mansiyon.

"Dennis na lang Yumi. Masyado formal kapag tinatawag mo akong Seniorito." wika nito. Alanganin akong ngumiti.

"I am being professional po Seniorito. You are my boss." wika ko dito.

"And you are the reason why I am here again. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nabigyan ng pag-asa para mabuhay kaya ayokong tinatawag mo akong Seniorito dahil hindi ka na iba sa akin." wika nito. Marahan naman akong napasinghap. Kumabog ang dibdib ko. Hindi ko talaga maintindihan si Seniorito. Masyado siyang open sa akin at sa totoo lang, nitong mga nakaraang araw ay masyado niyang ginugulo ang isipan ko. Hindi lang ang isipan ko kundi buong pagkatao ko.

Hindi ako nakaimik. Biglang tumunog ang phone ko at si Charles ang tumatawag.

"Uhm..I'll take this call." wika ko kay Dennis. Tumango lang naman ito kaya sinagot ko na pero hindi naman ako lumayo kay Dennis.

"Y-yes hello?" wika ko.

"Oh bakit ngayon mo lang ako nasagot? ngayon lang ba naisauli ang phone mo ng isa sa mga pasyente mo?" wika nito. Napakunot noo naman ako. Hindi ko kasi ma-gets kung ano ang ibig nitong sabihin. Tumingin ako kay Seniorito. He was just staring at me at kunot na kunot ang noo nito. Napakagat labi ako.

"Hey, are you okay Pangit?.. The last time I called you ay lalaki ang nakasagot and he told me na naiwan ang phone mo dahil nagmamadali kang umalis. He told me that he was one of your patient. Sobrang nag-alala ako sayo nun dahil ang sabi ni Mama may bagyo raw na dumating diyan. Thanks God, you're okay now. Salamat naman sa patient mo na yun at ibinalik na niya ang phone mo kundi ay hanggang ngayon hindi pa rin kita nakakausap and I'm so damn worried about you. Okay ka lang ba?" wika nito. Napalunok ako. Titig na titig lang sa akin si Seniorito Dennis. Baka si Seniorito ang nakausap ni Charles noong mga panahong bumagyo at nasa tuktok kami ng Villa.

"U-uhm..y-yeah. I'm okay now. Don't worry about me. Sorry dahil pinag-alala kita." wika ko dito. Narinig ko ang paghinga nito ng malalim.

"It's okay. Ang importante ay okay ka na at nakakausap na kita.. I missed you Pangit. Hintayin mo lang ako at magpapakasal na tayo pagbalik ko diyan sa Pinas. Bubuo na tayo ng sarili nating pamilya. Magkakasama na tayong muli..ikaw, ako at ang mga magiging mga anak natin. I love you Pangit." wika pa nito. Napalunok ulit ako. Tumango lang ako.

"O-okay. Maghihintay ako Pangit. Namissed rin naman kita. I love you too. Basta mag-iingat ka lang palagi diyan." wika ko. Pero bigla akong natigilan nang maramdaman kong hindi naman tumatagos sa puso ko ang mga sinasabi ko. Naipilig ko ang aking ulo.

"Oh, wag ka ng iiyak diyan sa kakaisip sa akin. Okay na ba kayo nina Yuri at Yuna?" wika nito.

"Pangit wag na muna nating pag-usapan yan. Kailangan ko ng magpaalam kasi hinihintay na ako ng isa ko pang pasyente." wika ko dito. Ewan ko ba kung bakit bigla ay ayoko ng makipag-usap ng matagal kay Charles. Pakiramdam ko kasi ay may kulang. Hindi ko alam kung ano.

"What?!..teka nga lang Yumi, diba day off mo ngayon? akala ko ay nandiyan ka sa bahay niyo at kasama mo si Tito." wika nito. Napapitik pa ako sa noo ko nang maalalang day off ko pala ngayon. Napapailing ako.

"Oo pero uuwi na rin naman ako ngayon. Kailangan ko lang magbilin ng mga paalala sa pasyente ko. Oh siya, sige na mamaya na tayo mag-usap. Mag-ingat ka diyan. Bye." wika ko. Hindi ko na hinintay na makapagsalita pa ito at ibinaba ko na ang phone.

My Husband's Wife #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon