Kabanata 10-To feel the chance to live again

9.2K 262 4
                                    

Ang pagsama ni Dennis sa akin ng isang araw sa lugar namin ay masaya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang pagsama ni Dennis sa akin ng isang araw sa lugar namin ay masaya. Nakikita ko naman sa kanya na nag-eenjoy siya habang nandun siya. Naulit iyon ng naulit hanggang sa tuwing uuwi ako sa amin ay palagi na siyang sumasama sa akin. Atleast napapangiti ko siya sa mga simpling bagay na hindi pa niya nararanasan. Malayong-malayo na siya sa nakilala kong Dennis Alejandro noon na tahimik at nagwawala dahil sa depresyon. Iyon naman ang ipinagpapasalamat ko ng husto.

Iyon nga lang ay natatakot ako dahil napalapit na ang loob ko sa kanya. He's okay now kahit na minsan ay nakikita ko siyang kinakausap ang picture ng asawa  niya at umiiyak siya habang yakap-yakap ang larawan nito. Natatakot lang ako dahil nakakalimutan kong may boyfriend na pala ako sa tuwing kasama ko si Dennis. Nakakaligtaan ko ng kausapin o tawagan si Charles. My mind was occupied with Dennis. Alam ko, mali na nakakaramdam ako ng ganito and I need to cut it off habang maaga pa.

"Yumi, can we talk?" Napatayo ako nang lumapit sa akin si Seniora Dennise.

"S-sure po." Wika ko at saka naupo muli nang umupo ito sa katapat na upuan. Kasalukuyan kaming nasa terrace ng mansiyon. Katatapos ko lang pakainin si Dennis at sinabihan niya akong gusto niya munang mapag-isa. I let him at saka gusto ko rin namang makaiwas sa kanya.

"About my son." Simula ng Seniora. Napatingin ako dito. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang iparating sa akin.

Napalunok ako.

"B-bakit po?" Kinakabahang tanong ko. Ang mga titig niya ay tila ba tumatagos sa pinakailaliman ng pagkatao ko. Kapag nakatingin ako sa kanya ay para akong nakatingin kay Seniorita Dennisandra. Magkamukhang-magkamukha silang dalawa. Iyon nga lang ay mas nakaka-intimidate si Seniora.

"Nabanggit mo sa akin minsan na ikakasal ka na sa boyfriend mo. Ang bilis ng panahon at hindi natin namamalayan na mag-iisang taon ka na dito. Nasanay na ang anak ko sa presensiya mo at nakikita ko ang kasiyahan niya ngayon noong naging sila ni Nimfa at nakikita ko na may importansiya ka na sa kanya. Yumi, maiintindihan mo naman siguro ako dahil ina ako and I want what's the best for my son." Wika nito.

Napamaang ako. Nakakunot noo ako. Nakukuha ko naman kung ano ang gusto niya. I can read it in her eyes.

Ngumiti ako.

"Alam ko po na nag-alala kayo sa anak niyo Seniora at ayaw niyang masaktan ulit. Alam ko po kung ano ang naiisip niyo ngayon. Natatakot po kayong mahulog ang anak niyo sa akin at natatakot po kayong masaktan siya dahil ikakasal na ako sa boyfriend ko, tama ba ako?" Kalmadong wika ko.

Marahan siyang tumango.

"Ayokong maulit ang nangyari sa anak ko Miss Masipag. He's okay now and I'm very thankful for you because you did your job very well. Hindi mo ako binigo. Ibinalik mo sa amin ang dating Dennis Alejandro. I just can't afford to see him crying again. Natatakot ako na mangyari ulit iyon. Ayoko ring pahirapan ka. Kung ako lang ang masusunod, I'd rather kneel in front of you and beg to be my son's girl and marry him if he wants pero ayokong maging unfair sayo Yumi. Malaki ang utang na loob ko sayo at alam ko mahal mo ang boyfriend mo at ayokong sirain iyon. I'm sorry but you have to leave soon Yumi. Wag ka ng magpapakita sa anak ko. Ako na ang bahala sa kanya." Wika nito.

My Husband's Wife #Wattys2019Where stories live. Discover now