Kabanata 5-When I watch you look at me

9.4K 254 6
                                    

Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapahagalpak ng tawa nang mapatingin sa mukha ni Seniorito. Nakasimangot ito at nagmumukha siyang tsokolate.

"Nakakatawa ka! you looked so cute Seniorito!" wika ko at saka humagikhik. Mas lalo itong sumimangot. Nakakatuwa dahil may mga reactions na siya hindi tulad dati.

Lumapit ako dito at saka pilit na inaalis ang mga putik sa kanyang mukha. Pareho lang naman kaming naliligo sa putik. Malalagot talaga ako nito kay Seniora at Senior. Hays! saka ko na lang iisipin iyon kapag nakabalik na kami sa mansiyon. Sa ngayon ay iisipin ko na muna kung paano kami makakabalik doon. Nilingon ko ang kabayo. Hindi na ito nagwawala kaya tumayo ako at saka itinali ito sa puno at saka binalikan si Seniorito na ngayon ay nakatayo na. Nakakatawa. Kung may taong dadaan dito at hindi kami gagalaw ay malamang mapagkamalan kaming statue.

Napahinto ako nang may marinig akong lagaslas ng tubig na sa tingin ko ay hindi naman malayo sa kinaroroonan namin.

Tumakbo ako kay Seniorito.

"Seniorito may tubig akong naririnig. Halika, hanapin natin para makapaglinis tayo ng katawan saka tayo mag-isip kung papano tayo makakabalik ng Mansiyon." wika ko at saka hinila siya. Hindi naman ito pumalag pa. Sinundan ko lang ang lagaslas ng tubig na aking naririnig.

Ilang sandali pa ay bumungad sa amin ang isang sapa. Ang linaw ng tubig na para bang perlas na nagkikislapan.

"Wow!.." tanging nasambit ko. Napakatahimik ng lugar at saka maraming wild flowers sa paligid.

"Halika Seniorito, maliligo tayo tutal andito na tayo at para na rin makakapaglinis tayo ng marumi nating katawan. Pero wag kang lalayo sa akin dahil baka mapano ka pa." wika ko dito. He didn't say a word.

Natutuwa ako sa paligid.

Agad akong lumusong sa tubig. Napasinghap pa ako dahil sa lamig ng tubig na dumadampi sa balat ko. Nilingon ko si Seniorito.

"Seniorito! halika!" wika ko dito. Nakatingin ito sa akin at saka nanlaki ang mga mata ko nang bigla nitong hinubad ang T-shirt.

"H-Hoy!! w-wag ka ngang maghubad diyan!" sigaw ko rito pero mukhang hindi ito nakikinig sa akin dahil itinuloy pa rin nito ang paghuhubad ng pang-itaas. Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang abs niya. Oh my God! patawarin niyo po ako sa mga nakikita ko ngayon!

Nag-iwas ako ng tingin at saka bumuga ng hangin. Sira-ulo talaga tong amo ko. Hindi man lang ba niya naiisip na babae ako? Kakainis talaga!

"Sen-- ahhhh! ang laki ng bakat!!" napasigaw pa ako nang paglingon ko ay nakahubad na pala ng pantalon si Seniorito at ang natitirang saplot sa katawan niya ay ang brief niya. Oh my Gosh! ang laki! kahit naka-brief pa siya ay bakat naman iyong sa kanya kung gaano kalaki!

Bumilis ang tibok ng puso ko at saka mabilis na tumalikod para hindi ko siya makita. Napapadyak pa ako.

Ano ba Dennis! babae ako! hindi pa ako nakakakita ng ganyan! ginulat mo naman ako!

Mahinang bulong ng isip ko. Napakagat-labi ako at saka lumangoy dahil pakiramdam ko ay nag-iinit iyong buong sistema ko sa nakita. Ang ganda kasi ng katawan ni Seniorito. Para siyang isang hunk model sa magazine. Ang sarap tignan! Diyos ko! Charles patawarin mo ako dahil pinagpantasyahan ko ang katawan ni Seniorito.

Ano ka ba Yumi! naka-brief naman siya kaya hindi naman masyadong bastos!

Ahhhh! basta! Naiilang ako. Hindi pa rin maipagkakaila na babae ako at lalaki siya.

Lumangoy ako pailalim ng mga ilang minuto at saka umahon nang pag-ahon ko ay nabunggo ako sa isang matipunong katawan. Napamulat ako at ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang mapagtanto kong nasa harapan ko si Seniorito. And geez! bakit pakiramdam ko ay lalo siyang gumugwapo?.. Naramdaman ko ang init ng katawan niya na nakadikit sa katawan ko kahit na may suot pa akong damit. Nakatitig lang din ito sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit may iba akong nararamdaman. Bakit ganun? Bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya? Agad akong lumayo sa kanya na tila ba napapaso sa presensiya niya. Hindi pwede to!

My Husband's Wife #Wattys2019Where stories live. Discover now