Kabanata 4- Someday you'll look back on all these days

10.1K 263 0
                                    

"Okay na siya. Nakatulog na po siya pagkatapos niyang makainom ng gamot, Seniora.." wika ko sa Seniora. Pagkatapos ng nangyari kanina sa dalampasigan ay dinala ko na si Seniorito sa suite niya dito sa resort. Nakatulog ito na may luha pa rin sa mga mata at hindi niya ako binitiwan na tila ba kumukuha siya sa akin ng lakas.

Naiyak ang Seniora kaya inalalayan siya ni Senior.

"Anton, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa panganay natin. Naaawa na ako kay Dennis. Sana ako na lang ang nakakaranas sa sakit na nararamdaman niya dahil ayoko siyang nakikitang nahihirapan. Sana ako na lang. Natatakot na ako Anton para sa anak natin." sambit ng Seniora. Hinaplos ng Senior ang likod nito. Nasa likuran naman nila ang tatlo pa nilang anak na halatang sobrang nag-alala para sa kapatid nila.

"Wag tayong mawalan ng pag-asa Sweetie..Dennis will be alright. Babalik din siya sa dati basta wag lang tayong susuko." wika naman ni Senior.

"Tama si Dad, Mom. Dapat hindi natin susukuan si Kuya. Mas kailangan niya tayo ngayon." Wika naman ni Seniorita Dennisandra.

Umiyak lang ang Seniora. Pagkatapos kong nakipag-usap sa mag-asawa ay lumabas muna ako ng silid at saka dinala ako ng mga paa ko sa dalampasigan. Sa totoo lang ay naaawa talaga ako sa sitwasyon ni Seniorito Dennis. Hindi mo alam kung kailan siya magiging okay at babalik sa dati. Lintik na pag-ibig talaga yan! minsan nakakasira ng bait.. Ganun ba talaga ang pag-ibig?.. Hindi ko naman kasi akalain na posibli pala talagang magiging ganun ang kahihinatnan ng isang tao kapag sobrang nagmahal. Hindi ko naman kasi naramdaman iyon. I mean, yes I love Charles pero parang hindi ko naman nakikita ang sarili ko na ma-depress kapag iiwanan niya ako. Actually, kung sa amin mangyari ang nangyayari kay Seniorito Dennis ay matatanggap ko naman siguro ang lahat dahil ika nga hindi mo hawak ang isang bagay o buhay ng isang tao.

Napabuntong hininga ako.

Tumunog ang phone ko kaya sinagot ko iyon nang malaman kong si Charles ang tumatawag.

"Hi Charles! kumusta ka na?" tuwang wika ko.

"Heto, masyadong busy sa trabaho. Ikaw kumusta ka na diyan sa bago mong trabaho?" wika naman nito. Namissed ko ng husto ang boyfriend ko. Ilang taon pa ang hihintayin ko para bumalik siya at para magpakasal kaming dalawa.

"Okay naman ang trabaho ko kahit na medyo nahihirapan ako sa pasyente ko kasi na-depressed ng husto dahil nga sa pagkamatay ng asawa niya three years ago. Literal na crazy in love iyong tao at hindi makapag-move on. Eh kahit anong gawin ng pamilya niya ay hindi na maibabalik pa ang asawa niya." wika ko. He chuckled at the other line.

"Ganun talaga kapag sobrang inlove ka sa isang tao at saka asawa niya iyon. Intindihin mo na lang." wika niya pa. I made a face. Ang isang bagay na gusto ko kay Charles ay mabait ito at saka understanding.

"Bakit, ikaw ba kapag nawala ako ay malulungkot ka rin ng sobra?" tanong ko.

"Bakit? iiwanan mo ba ako?" tanong naman nito. Umiling ako.

"Kunwari lang naman. Kung sakali lang." wika ko.

"Well, kung mawawala ka at sumama sa iba o dahil nagmahal ka ng iba eh syempre malulungkot ako pero hahayaan kita kung saan ka sasaya dahil ayaw ko namang pilitin ka kahit ayaw mo na." wika pa nito. Napapadyak pa ako.

"Ay! wag kang masyadong mabait! kakainis ka eh..sige na nga wag na lang nating pag-usapan yan at baka saan pa to mapunta." wika ko. Ayokong mawala si Charles sa akin. I can't imagine myself with other man. Gusto ko si Charles lang dahil siya lang iyong perfect na tao para sa akin dahil kapag kasama ko siya ay okay ako at sapat na sa akin na magiging okay ako.

My Husband's Wife #Wattys2019Where stories live. Discover now