Prologue: Unforgetable

16.9K 269 2
                                    

"Ikakasal na ang panganay ko. I remembered when I married to your mother, hindi ako mapakali.. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko dahil sa sobrang excitement dahil sa wakas ay magiging akin na rin ang babaeng mahal na mahal ko." wika ni Daddy Anton. Araw ngayon ng kasal ko--ng kasal namin ng babaeng pinangarap at pinakamamahal ko..si Nimfa Vein Figueroa. At katulad nga ng sinabi ni Daddy ay hindi ako mapakali dahil sa sobrang excitement dahil sa wakas ay magiging akin na rin ang babaeng minahal ko ng buong puso. Nimfa is my life. Sa kanya lang umiikot ang mundo ko. I met her when I was in college. I was third year back then and she was first year. Love at first sight ang nararamdaman ko hanggang sa nahulog na talaga ang loob ko sa kanya. Lahat na yata ng kabaitan ay nasa kanya na plus bonus pa ang kagandahang taglay niya..she's beautiful inside and out kaya nga siya ang pinangarap ko. I court her hanggang sa sinagot niya ako. We became lovers for almost seven years and now we are getting married. Love took us in this stage of our lives.

Ngumiti ako--iyong ngiti na walang makakatumbas dahil sa sobrang kaligayahan ko.

"Ganito ba talaga ang feeling Dad?..Sobrang saya?" tanong ko kay Dad. Tumango si Dad at saka inayos ang tux ko. Kahit matanda na si Dad ay bakas pa rin sa mukha nito ang kagwapuhan. Tumango ito.

"Yes..thats the feeling especially when you love each other. I can't believe that my first son is settling down this day..I'm always here son and I am so proud of you because finally, you found your forever just like how I found my forever--your mother." naluluhang wika ni Dad na siya namang pagpasok ni Mom na ngayon ay naiiyak na rin at niyakap ako ng napakahigpit.

"Hush Mom..this is my day and we should be happy." saway ko sa ina ko. Pinahid nito ang mga luha at saka tinitigan ako. My Mom is still beautiful even in her old age. Saludo nga ako sa pagmamahalan nilang dalawa ni Dad. They are my inspiration. Nakikita ko yung sarili ko na magiging ganyan kami ni Nimfa when we are old.

"I just can't help but to be emotional Anak..My son is getting married. Iiwan mo na kami..Hindi ko talaga lubos maisip na mawawalan ako ng isang anak sa bahay.." naluluhang wika ni Mom. Tumawa kami ni Dad at saka inakbayan si Mom.

"Pagpasensiyahan mo na itong Mommy mo Son..masyadong emosyonal iyan akala mo hindi secret agent dati.. Siya lang yata ang secret agent na sobrang lambot kaya nahulog sa akin." wika ni Dad. Siniko siya ni Mom.

"Naku ikaw Anton ha! wag mo akong ipahiya sa anak natin! ikaw kaya itong hulog na hulog at patay na patay sa akin at ginawa mo pang alibi ang mamanahin ko para mapasunod mo ako." wika ni Mom. Napangiti ako sa kanilang dalawa.

"Eh mahal kita eh kaya nagawa ko yun." wika naman ni Dad. Pinamulahan ng mukha si Mom. They're so sweet and they are so lovely.

"Mahal din naman kita kaya sunod lang ako ng sunod sayo. Ay! bakit ba natin pinag-uusapan ang sa ating dalawa gayong kasal ng panganay natin." wika ni Mom.

"It's okay Mom atleast medyo nababawasan iyong kaba sa dibdib ko." wika ko. Niyakap ako ni Mom at Dad. Pumasok ang mga kapatid ko na sina Dennisandra, Antoneth Claire at Denver Claud at saka binati ako at niyakap. Dalawa ang maid of honor ko at walang iba kundi ang dalawa kong kapatid na babae at si Denver naman ang bestman ko. Masaya sila para sa akin. Naiiyak nga sila na makita ako na ikakasal na sa babaeng bumihag sa puso ko. Kailangang makakabuo raw kaagad kami para may bagong baby na raw ang pamilya. Napangiti ako sa isipang iyon. Nakikinita ko na ang sarili ko na magiging isang mabuting ama sa mga magiging anak ko at mabuting asawa kay Nimfa.

Hindi talaga mawala ang kaba sa dibdib ko. Nag-alala tuloy ako kung sisiputin ba ako ni Nimfa pero I'm sure naman na hindi niya ako uurungan dahil mahal na mahal namin ang isa't-isa.

My Husband's Wife #Wattys2019حيث تعيش القصص. اكتشف الآن