Kabanata 19- It really hurts that I wanted to Die

9.5K 261 12
                                    

Two months later..

"Hon, are you ready?" Tanong sa akin ni Dennis. Karga niya ang anak naming si Eleusis Allen. Magsisimba kami ngayong araw na ito.

Ngumiti ako at saka tumango.

Ilang sandali pa ay sumakay na kami ng kotse at tumungo sa simbahan. Minsan nahihiya na ako sa panginoon dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi kay Dennis ang totoo tungkol kay Nimfa. Nagi-guilty ako at inuusig ako bg konsensiya ko. Palagi naman akong binabalitaan ni Mr. Z tungkol kay Nimfa at ayun sa kanya ay unti-unti ng bumabalik ang dating siya kahit na nag-iba pa rin ang hitsura niya dahil sa plastic surgery na ginawa sa kanya ni Attorney Buenavista.

Pagdating namin sa simbahan ay sakto naman na kakaumpisa lang ng mesa. Magkahawak kamay kami ni Dennis na pumasok dun at saka nanalangin. Alam ko na panandalian na lamang ang araw na magkasama kami ng asawa ko dahil sa ayaw at sa gusto ko ay babalik ang tunay na asawa niya.

My husband's wife!

I sighed. Taimtim akong nanalangin na sana magiging okay rin ang lahat at sana masabi ko na ang totoo kay Dennis at nang sa ganun ay magiging panatag na ang loob ko. Mahal ko ang asawa ko pero hindi ko siya kayang paglihiman.

Napatingin ako sa mag-ama ko. Napaluha ako at saka nagpasalamat sa panginoon dahil binigyan niya ako ng pagkakataon na makasama ang lalaking nagmamay-ari ng puso ko at binigyan niya pa ako ng isang magandang biyaya, isang munting anghel na tanging alaala ko sa mahal ko.

Natapos ang mesa kaya lumabas na kami ng simbahan ngunit bigla akong huminto.

"H-Hon.." sambit ko. Lumingon siya habang hawak-hawak ang anak ko.

"Bakit Hon?" Nakangiting wika niya.

I cried. Buti nalang wala na masyadong tao sa paligid dahil nagsilabasan na ang mga ito.

Nag-alalang nilapitan niya ako.

"What's wrong?" Sambit niya at saka hinaplos ang mukha ko.

"I love you and I'm sorry.. I'm really sorry." Wika ko. Sasabihin ko na sa na kanya ang totoo. Ito na tamang panahon para sabihin sa kanya na buhay si Nimfa.

"L-Love?" Pareho kaming napalingon ni Dennis sa nagsalita at ganun na lang ang panginginig ng katawan ko nang makilala ko si Miss V o Nimfa.

Tumulo ang mga luha nito na nakatitig sa asawa ko. Kumunot naman ang noo ni Dennis na nakatingin dito at saka napangiti.

"Ah Miss nagkamali ho kayo. Hindi ho kita kilala." Wika ng asawa ko.

Kinuha ko si baby Eleusis para ako naman ang kumarga dahil kinakabahan talaga ako ng sobra.

Bigla nalang hinawakan ni Nimfa ang mga kamay ng asawa ko.

"A-asawa kita Dennis Alejandro.. asawa kita. Look at me please.. ako ang asawa mo.." humihikbing wika ni Nimfa. Nagbago ang ekspresyon ng mukha ng asawa ko at saka maang na napatitig sa babae.

"Si Yumi ang asawa ko Miss at pwede ba wag kang gumawa ng eksena dito?" Wika ni Dennis at saka bumitiw sa pagkakahawak kay Nimfa.

Panay ang naging paglunok ko. Pakiramdam ko ay anumang oras ay mako-collapse ako.

Akmang hahawakan na ako ni Dennis sa kamay pero niyakap siya ni Nimfa sa likuran.

"Dennis please makinig ka muna.. ako si Nimfa. I may not look like her now dahil sa hitsura ko pero ako si Nimfa! Ako ang asawa mo! Buhay ako Dennis! Buhay ako!" Wika niya. Napahinto naman si Dennis. Napakuyom siya ng mga palad. His jaw clenched at saka dumilim ang mukha niya.

My Husband's Wife #Wattys2019Where stories live. Discover now