Kabanata 11-And give up this fear within Of what would happen if they ever knew

8.8K 236 1
                                    

I changed my number para hindi na ako makontak ng mga del Rio. Si Charles lang at mga kaibigan ko ang nakakaalam ng bago kong number at saka lumipat na kami ni Papa sa city. May nabili kasing condo si Yuna kaya kami na muna ni Papa ang tumira dun habang wala pa sila. Hindi pa kami nakakapag-usap ng matino ng mga kapatid ko. Hindi pa rin kami bati. Sinusubukan ko lang na kausapin sila para kay Papa.

Dalawang linggo na rin ang nakalipas simula nang umalis ako sa mansiyon ng mga del Rio at hanggang ngayon ay mabigat ang kalooban ko.

Masakit naman kasi na iwanan mo yung taong mahal mo. Iyon na nga ang ikinakatakot ko noon at nangyari nga.

"Yumi, may bisita ka!" Wika ni Papa.. Kasalukuyan akong nasa kusina at naghahanda ng makakain namin ni Papa.

"Sino Pa?" Tanong ko na habang tinitingnan ang niluluto ko at nang masigurado na okay na ay pinatay ko na ang stove.

"Ako.." awtomatikong napalingon ako and my jaw dropped for a moment.

"How's the most beautiful girl in my life?" Malawak ang ngiting wika nito. He opened his arms wide. Ang isang kamay niya ay may hawak na isang boquet ng bulaklak-- my favorite flower, White roses.

"C-Charles?" Sambit ko. Tumango ito.

"Hindi mo ba yayakapin ang mahal mo? Don't you missed me Pangit?" He said.

Napalunok ako at saka pagkaraan ng ilang sandali ay nakangiting yumakap ako dito.

"I missed you! Kailan ka lang ba dumating? Walang hiya ka bakit hindi mo sinabi sa akin at nang sa ganun ay nasundo kita!" Wika ko at saka naiyak ako.

I really missed him. I really do at kalakip nun ang takot sa dibdib ko. Things are different now. May nag-iba na and it's not him.. it's me.

I hate myself dahil nawala ang pagmamahal ko kay Charles. Nagkasala ako at nagi-guilty ako.

Kumalas siya sa mga yakap ko and then he cupped my face.

"Hey! I'm here and I'll never leave you again. May naipon na ako and I'm planning to build a business here for good and we will start our life here together. Diba iyon naman ang gusto mo dahil gusto iyon ng Papa mo and I'm giving it to you because I love you Pangit." Wika nito.

I looked away at saka kinuha ang niluto ko. Kinakabahan ako at nalulungkot ako. Paano ko sasabihin sa kanya ang totoo? I don't want to be unfair with him pero ayoko rin naman siyang saktan. I know he sacrificed a lot at ayokong sirain iyon.

"A-akala ko kasi medyo matatagalan ka pa sa abroad. Akala ko pagkatapos ng kontrata mo doon saka tayo magpapakasal. Anong nangyari? Napabilis yata ang pag-uwi mo?" Wika ko habang naghahanda ng pagkain sa mesa. Hindi ko siya magawang tingnan sa mga mata. Natatakot ako na baka mabasa niya ang nilalaman niyon.

Inilgay nito sa table ang boquet ng flowers at saka lumapit sa akin. He held my waist and made me face at him.

Iba na talaga. The feelings were gone. Hindi ko na nararamdaman iyong parang kuryente kapag hinahawakan niya ako dati o sa tuwing magkadikit ang mga balat namin.

I fell out of love!

"Ayaw mo ba nun? Nandito na ako at magkakasama na tayo. Hindi ko na kasi kaya doon dahil malayo tayo sa isa't-isa. I love you." Wika nito.

Pilit akong ngumiti at saka hinaplos ang mukha niya.

Naluluha ako.

"T-Thank you..thank you Charles. You're so good to be true. You're almost perfect. You never failed me. Thank you." Wika ko.

My Husband's Wife #Wattys2019Where stories live. Discover now