Kabanata 16- Deal with it, It'll free the pain

8.5K 230 2
                                    

Hanggang sa nakauwi na ako ng bahay ay hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang sinabi ni Miss V.

"G-gusto kong makita si Dennis Alejandro..I want to see my husband.."

Kitang-kita ko sa hitsura niya ang pangungulila at kasabikan na makita ang sinasabi niyang pangalan. Kumabog ang dibdib ko kasi posibling ang asawa ko ang hinahanap niya.

Vein

Dennis Alejandro

Posibli kayang si Miss V at Nimfa ay iisa?

Sa naisip ko ay nais kong maiyak. Hindi ako mapakali hangga't hindi ko nalalaman ang totoo.

Kinuha ko ang phone ko at saka dinial ang number ng taong alam kong makakatulong sa akin.

"Yumi! Hi!" Sagot sa kabilang linya. Napakagat labi ako at saka nagbuntong hininga.

"D-Dennisandra, I need your help." Wika ko sa kapatid ng asawa ko.

"Oh bakit? Is there anything wrong? Si kuya na naman ba? Akala ko ba okay na kayo?" Sunod-sunod na tanong nito. Nasa Paris si Sandy at kahit na nandun siya ay palagi naman akong tumatawag sa kanya. Sa kanya lang ako nakakapagsabi ng saloobin ko dahil close kaming dalawa. Hindi naman niya ako binibigo sa tuwing humihingi ako ng tulong sa kanya.

"Sandy, kailangan ko ang tulong mo para malaman ko ang totoo. I have this feeling na buhay pa si Nimfa." Wika ko.

"What?!! Wag kang magpatawa Yumi dahil hindi nakakatawa ang mga sinasabi mo. Matagal ng patay si Ate Nimfa at ang patay ay hindi na bumabalik!" Nagulat ito sa sinabi ko.

"I know! But please listen to me Sandy. Kahit ako man ay ayokong maniwala pero heto na ang reyalidad at bumabalik na ang nakaraan at kailangan kong malaman kung totoo ba ang hinala ko. Hindi ako makakatulog ng maayos hangga't wala akong ginagawa." Wika ko.

Sinabi ko sa kanya ang tungkol kay Miss V mula simula hanggang sa banggitin nito ang pangalan ng asawa ko na asawa niya raw. Naiisip ko palang na buhay si Nimfa ay para na akong pinapatay. Kakasimula pa lang namin ni Dennis sa panibagong buhay at heto biglang babalik ang taong mahal na mahal niya at dahilan ng pagdurusa niya ng matagal na panahon.

"Oh my God! Yumi baka naman mali ang hinala mo. Napaka-imposibli kasi na buhay si Ate Nimfa dahil nailibing na namin siya." Wika nito.

Nagpalakad-lakad ako sa kwarto.

"Bakit? Gaano ba kayo kasigurado na si Nimfa talaga ang nailibing niyo? Gumawa ba kayo ng pagkakakilanlan kay Nimfa na siya talaga yun?" Wika ko.

Natahimik siya at pagkaraan ng ilang sandali ay narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Hindi.. I mean sunog kasi ang bangkay and the only thing na nagpapatunay na siya si Ate Nimfa ay iyong suot niyang wedding ring nila ni Kuya Dennis at iyong necklace na bigay ni Kuya sa kanya. Yumi, baka naman kinakain ka lang ng insecurities mo kay ate Nimfa kaya kung anu-ano na lang ang naiisip mo." Wika niya.

Napapalatak ako.

"Sira-ulo ka talaga Sandra! Kaya nga ako humihingi sayo ng tulong diba kasi nga gusto kong mapanatag ang kalooban ko. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Iyong parang may nakadagan sa dibdib ko. Please help me." Wika ko dito.

"Okay fine. Kung hindi ka lang malakas sa akin ay nunca na pagbibigyan kita sa gusto mo. I'll call Tito Z para mag-imbestiga." Wika nito.

"Salamat Sandy pero sana tayo lang ang makakaalam nito. Ayoko kasing magkagulo kami ng kuya mo." Wika ko.

My Husband's Wife #Wattys2019Where stories live. Discover now