Kabanata 2- Never be afraid of doing something different

10.9K 259 0
                                    

Kakasimula pa lang ng trabaho ko pero parang gusto ko ng sumuko. Gusto ko ng bawiin ang ipinangako ko kay Senyora Dennise na aalagaan ko ang anak niya sa abot ng aking makakaya. Hindi naman sa baguhan ako sa propesyon ko pero hindi ko maiwasang mahihirapan sa sitwasyon ko lalo na't minsan ay nagwawala si Seniorito kapag hindi niya nagustuhan ang mga ginagawa ko. Siguro yung mga bagay na hindi niya nagugustuhan ay dahil yun yung mga bagay na nagpapaalala sa kanya sa nakaraan.

Mabilis akong bumangon at saka naghanda na para puntahan si Seniorito sa kwarto nito para pakainin.

Pagkatapos kong naligo ay isinuot ko na ang white uniform ko. Kahit dito sa mansiyon ng mag-asawang del Rio ay dapat nakasuot ako ng uniporme ko para malaman nilang isa akong private nurse. Professional pa rin ang dating ko.

Bitbit ang tray ng pagkain na ipinahanda ko sa katulong ay umakyat na ako sa ikalawang palapag ng mansiyon kung saan naroon ang silid ni Seniorito Dennis. Pagkatapat na pagkatapat ko sa pinto ng silid niya ay huminga muna ako ng malalim. Napakatahimik ng buong kabahayan. May inaasikaso raw kasi si Senyora at nagpunta naman sa trabaho si Senior Anton. Wala rin dito ang dalawang kapatid ni Seniorito Dennis na sina Seniorita Antoneth at Seniorito Denver dahil may nilalakad raw. Nakita ko naman si Seniorita Dennisandra kanina pero mukhang malungkot iyon at saka halatang galing sa pag-iyak dahil sa pamamaga ng kanyang mga mata.

Napahugot ulit ako ng isang malalim na hininga. Kung palagi silang ganyan, paano na si Seniorito Dennis? Paano siya makaka-recover kaagad kung palaging walang tao dito sa mansiyon?..Ang hirap ng pinagdaanan ni Seniorito and he needs to be cared lalong-lalo na sa kalagayan niya.

Napapailing na binuksan ko ang pinto ng silid nito at saka pumasok. Nakita ko kaagad siya at nanlaki pa ang mga mata ko dahil naka-boxers lang ito habang nakatayo sa malaking portrait ng asawa niya. Bakat na bakat yung alaga niya. Sa kabila ng kalagayan niya ay hindi ko maitatanggi na maganda at purmado ang pangangatawan niya. Naipilig ko ang aking ulo. Pakiramdam ko kasi ay uminit ang buong mukha ko.

Ano ka ba Yumi! may depression na nga yung tao ay kung anu-ano pa yang iniisip mo!

Napakagat labi ako at saka inilapag ang tray sa table niya. Hindi niya ako napansin o talagang hindi niya lang ako pinapansin.

"Eherm!..Seniorito, kumain na muna kayo. Pagkatapos mong kumain ay ilalabas kita para naman makalanghap ka ng sariwang hangin." Wika ko. Hindi ito umimik bagkus ay nakita ko ang pagtulo ng mga luha nito.

My jaw dropped.

Bigla ay nahabag ang kalooban ko sa nakita. Nilapitan ko ito and I don't know what happened but I hugged him. Hindi naman ito pumalag. Umaalog ang balikat nito at ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya.

"I-it's okay..you have to let out the pain in your heart para naman mabawasan ang bigat na dinadala mo. I'm here..I'm just here Seniorito." wika ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga salitang binitiwan ko. Basta pakiramdam ko ay kailangan ko siyang tulungan. Gusto ko siyang iahon sa sakit at kalungkutang dinaranas niya. He deserves to be happy. Wala namang tao na hindi deserving na maging masaya kahit na gaano pa siya kasama. Pero itong taong to ay ramdam na ramdam ko ang kabutihan sa puso niya at kailangan niyang bumangon para sa panibagong buhay na haharapin niya.

Ilang minuto rin siyang umiyak sa balikat ko hanggang sa namalayan kong hindi na umaalog ang balikat niya. Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin. I cupped his face..ang mabalasik at puno ng kalungkutan niyang mukha.

"Magiging okay rin ang lahat. Ang mabuti pa ay kumain ka muna para makapag-usap tayo. Marami akong gustong ikwento sayo." nakangiting wika ko. Matagal niya akong tinitigan at ayun na naman ang hindi pamilyar na damdamin na bumabalot sa aking pagkatao. Para bang hinihigop niya ang buong pagkatao ko sa pamamagitan ng mga titig niya. Napalunok ako. Hindi ito umimik. Tumawa ako para mabawasan ang tensiyon na nararamdaman ko bago siya hinila at saka pinaupo sa silya. Sa totoo lang ay ilang na ilang ako sa kanya because he's just wearing his boxer's short. Hindi pa naman ako sanay na nakakakita ng ganyan kahit na matagal na akong nagka-boyfriend. Si Charles nga ay hindi ko nakitang nakasuot ng ganyan. Inaalagaan ko talaga ang pagkadalagang pilipina ko.

My Husband's Wife #Wattys2019Where stories live. Discover now