Kabanata 17- It surely Changed Everything

8.7K 219 5
                                    

"Sir, heto na po ang gamot ni Miss V." Wika ng katulong.

"Ako na po ang magpapainom ng gamot kay Miss V, Attorney." Bulontaryong wika ko dito.

"Hindi, ako na Miss Yumi. Bukas dapat wala ka na dito. Ako na ang mag-aalaga sa asawa ko." Wika nito. Napakunot noo naman ako. Pinapaalis na niya ako. Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla na lang siyang nagdesisyon na paalisin ako. Mas lalo lang tuloy lumakas ang kutob ko na may tinatago siya.

"P-pero Attorney--"

"Hindi mo ba ako naririnig Yumi? Bukas hindi ka na babalik dito kasama iyang alalay mo! I don't need you anymore! Sa panahon ngayon ay wala na akong mapagkakatiwalaan." Wika pa nito.

Napaawang ang bibig ko. Nagkatinginan kami ni Mr. Z. Nag-alibi ako kay Attorney Buenavista at sinabi kong nagbakasyon si Cocoi at dahil kailangan naming magtherapy kay Miss V ay kinailangan ko kunwari ang tulong ni Mr. Z para hindi kami mahahalata sa pagpasok nito sa mansiyon ng mga Buenavista.

Pareho kaming napalingon nang tumunog ang phone ni Attorney kaya ako na mismo ang kumuha sa gamot ni Miss V.

Walang pasintabing sinagot ni Attorney ang tawag at saka lumayo sa amin.

Ako na ang nagpa-inom ng gamot kay Miss V at habang nakatingin ako sa kanya ay nakikita ko sa mga mata niya si Nimfa. Lalo lang nadagdagan ang kumpiyansa ko na siya ang asawa ng asawa ko at habang tinutuklas ko ang katotohanan ay para naman akong pinapatay sa sakit. Malaki ang posibilidad na mawala sa akin si Dennis kapag napatunayan na buhay talaga si Nimfa.

Ano ang laban ko sa isang wagas na pag-ibig?

"Miss Yumi, pasensiya na pero kailangan kong umalis. Kailangan niyo na ring umalis sa pamamahay ko. Wag na kayong babalik dito at ikaw Inday, ikaw na ang bahala sa asawa ko. Wag mo siyang pababayaan." Wika ni Attorney at saka nagmamadaling tumalikod.

Nagkatinginan kaming tatlo ni Mr. Z at Inday na katulong ni Attorney.

"Something was wrong here Miss Yumi." Bulong sa akin ni Mr.Z. Napalunok ako.

"Inday, alam ko pinapaalis na kami ni Attorney pero pwede bang kahit sa huling sandali ay alagaan ko si Miss V? Alam mo na, matagal din kasi akong nagserbisyo sa kanya kaya masakit sa kalooban ko na iwanan siya." Wika ko kay Inday.

Tumango at saka malungkot na ngumiti si Inday.

"Alam ko po ang nararamdaman niyo Miss Yumi. Hindi ko lang kasi alam kung bakit biglang nagbago si Attorney. Hindi ko alam kung bakit ayaw ka na niya bigla kahit na noon pa man ay gustong-gusto ka na niya para mag-alaga sa asawa niya." Wika nito.

Tinapik ko ang balikat nito.

"Salamat sa pag-intindi mo sa akin Inday." Wika ko.

"I want to sleep." Biglang wika ni Miss V. Napatingin kaming pareho dito.

"Ah Miss Yumi. Dadalhin ko na muna sa silid nila ni Attorney si Miss V para makapagpahinga." Wika ni Inday.

Siniko ako ni Mr.Z.

"Uhm Inday ako na lang ang maghahatid sa kanya para makapagpahinga siya. Kapag makakatulog na siya ay saka pa kami aalis ni Zion." Wika ko na ang tinutukoy na Zion ay si Mr. Z.

Tumango naman ang katulong.

"Sige po Miss Yumi. Salamat po." Wika nito.

Inalalayan ni Mr. Z si Miss V at saka iginiya ko sila sa kwarto ni Attorney Buenavista.

Pinapahiga ko sa kama si Miss V at habang ginagawa ko yun ay kumuha ako ng tatlong hibla ng kanyang buhok para sa DNA test na gagawin. Agad naman itong nagtalukbong sa kumot. Malayo ang paningin nito.

My Husband's Wife #Wattys2019Where stories live. Discover now