Chapter XIV (Ang tanong: AKO ba tinutukoy nya?)

72.7K 1.3K 116
                                    

"Tatlo pong cornetto Kuya. Yung tsokolate."

Matapos kong mag-abot ng pera ay tinungo ko na ang  tatlong makukulit na batang hinihintay ako.

"Heto oh. Masarap yaaaaan~" Binigyan ko sila ng tig isa. Hinug nila ako bilang pasasalamat at nagtatakbo na pabalik sa paglalaro nila... at pagtatrabaho na din ata.

Mga batang kalye kasi sila. Nakakaawa nga sila eh. Dito lang sa malamig na tabi ng kalsada natutulog at tumitira. O kaya kung sinwerte, dun natutulog sa tinutulak nilang kariton. 

Haaaay. Ang delikado pa naman dito sa may kalsada.

=_________= 

Napag-isip ko lang, ganyan kaya ako ngayon kung--

"Imbes na ice cream ang binili mo sa kanila, ulam nalang sana pati kanin." Nagulat ako nang marinig ang boses nya. Tumabi sya sakin at sinusundan din ng tingin ang mga batang binigyan ko ng cornetto na ngayon ay masayang nilalasap ang malamig na bigay ko sa kanila.

"Pinakain ko na sila kanina." paliwanag ko naman. May common sense din kaya ako kahit papano. Alangan namang ipakain ko yun sa kanila na wala man lang laman ang tyan nila?

"Good." sabi nya.

Tumayo na sya. Napansin kong may dala dalang isang malaking plastic sa kanang kamay nya. Kagagaling lang ata nyang... mag-grocery??? o.O 

"Xavier kooo! Wag mo kong iwan!" Hinabol ko sya kasi ang bilis nyang maglakad =___= "Ansama mo!" sabi ko nang nasa tabi na nya ako at nakakasabay na sa pace nya.

"Bakit ka ba nandito?" tanong nya.

"Wala lang. Tumatambay kasi ayokong dun sa bahay magmukmok." sagot ko na sinisilip ang laman ng plastic na bitbit nya. "Nag grocery ka?" 

 "Oo." ikli -____-

Tahimik lang kaming naglalakad pabalik sa subdivision. Malayo layo pa naman pero keri lang kasi nga, naglakad lang din ako kanina para makapunta sa pasyalan na hindi kalayuan sa Mall. Sa katunayan, lagi akong pumupunta dun. At least once a week o kaya pag na keri ng oras ko, twice. Andun lang ako para makipagkwentuhan at magpakain ng mangilan ngilang batang kalye na nagiging kaibigan ko na din.

Why? Because I can almost see myself in them.

"Balita ko kay Enzo, magpapaturo ka na daw?" Pagbasag sa katahimikan naming dalawa.  -______-" Here we go again. Tutorials. And then--

"Si Enzo lang pala talaga makakakumbinsi sayo." Naka half smile sya nang sabihin yun.

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Where stories live. Discover now