Chapter 37 So wrong, it's right

10.4K 81 19
                                    

Chapter 37

Jillian’s POV

Hindi ko gusto ang nananakit ng tao, never! Ayoko ‘yung nakikita ko na dahil sa akin, mayroong taong sobrang nasasaktan. I know I shouldn’t have crossed the lines but I can’t stop running outside them. I want to reach for him, but whenever I try to, I keep on hurting him.

Paano mo ba sasabihin sa isang tao na tama na, kung alam mong ikaw talaga ang mali sa buhay niya. Ako ‘yun, eh. Ako ‘yung palpak. Wrong move.

“Alam ko naman ‘yung tama pero bakit pinipili ko ‘yung mali?” he asked almost talking to himself.

Hindi pa rin ako makasagot, pinagmamasdan ko lang si Elf habang paikot-ikot siya dito sa harapan namin. I want to distract myself. I want to listen. Gusto kong saktan niya ako, sumbatan niya ako. Gusto kong iparamdam niya sa akin na wala akong kwenta. Na isa ako sa mga pinakamaling bagay na nangyari sa kaniya. I want to be hurt by him, thinking that it would make this fair for him.

Gusto kong iparamdam niya sa akin ang sakit na nararamdaman niya. He can’t hide the pain forever. I want to feel it in behalf of him. I am responsible for it, right? Fire away. Kill me with your words.

Umihip ang hangin. Nanlamig ang pakiramdam ko. Hindi naman dapat ganito ang afternoon breeze pero dahil sa sinabi niya, tila ba wala ng mas lalamig pa sa nararamdaman ko.

Suminghap ako bago ko siya pinagmasdan. “So-sorry,” uutal-utal na wika ko. Nahihirapan akong huminga. Pakiramdam ko linamon ng sakit ang mga salita na gusto kong sabihin.

Lumingon siya sa ‘di kalayuan. “Hindi.” Iniling niya ang kaniyang ulo. I saw his shoulder go up and down restlessly. “Ako ‘yung dapat mag-sorry kasi alam kong ginugulo ko lang ang lahat. Bakit ba kasi ganito? Gusto ko naman kasing tumigil na pero kapag nakikita kita, nagbabago ang lahat.” Bumuntong hininga siya. Damang dama ko ang bigat ng nararamdaman niya.

“Nick,” malamig na tawag ko sa kaniya. Even saying his name is painful. Para bang palaging mayroong bumubulong sa akin kung gaano ko siya winasak.

You don’t deserve this love, Jillian. Paulit-ulit kong sinasabi ‘yan sa sarili ko. I don’t deserve anything at all.

It is sunset already. Nakita ko ang unti-unting paglubog ng araw sa likuran niya. It was very nostalgic and very painful, too.

When our eyes met, I saw those glistening tears. Mas lalong bumigat ang dibdib ko. Gusto kong lapitan siya at punasan ang mga luhang ‘yun.

It was your fault. You’re his reservoir of pain. Don’t be stupid. There’s this small voice telling me that. Tama, katangahan nga ‘yun. Hindi na ako natuto.

“Ikaw naman ‘yung dahilan kung bakit ako nahihirapan pero hindi pa rin kita magawang iwan. Ikaw naman ‘yung may kasalanan kung bakit wasak ako pero alam kong ikaw pa rin ang bubuo sa akin. I could have compromised but I chose not to. Pwede namang hindi ikaw, pero ayoko kapag hindi sa ‘yo.  This feeling is one heck of a stupid paradox!”

Have You Seen This Girl 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon