Chapter 8 One Sided Love

23.9K 121 9
                                    

Chapter 8

3rd person POV

Ui Japh nakita mo ba si Nick?” Bungad na tanong ni Jillian pagkakitang pagkakita kay Japh na nasa may corridor.

“Di e, hanapin mo na lang. Pakalat kalat lang yun, alam ko wala na siyang klase eh.”

“Ay ganun? Sige salamat na lang.”

“Sige, may klase pa ako eh.”

Nagnod naman si Jillian kaya umalis na si Japh. Hinahanap niya kasi si Nick para sana magpatulong dun sa ginagawa niyang script. Pagdating kasi sa mga technicalities mas mausisa si Nick, kaya para well scrutinized ang trabaho, she decided to ask for some help. Yun nga lang di niya alam kung nasan si Nick.

She was scanning through the pages of her draft nang mabunggo siya.

“Aray!” reklamo niya habang hinihimas ang ulo niya.

“Ay sorry!” sabi nung babaeng nakabunggo sa kaniya.

Pinulot nilang dalawa yung scattered papers. “Bakit ba kasi nagmamadali ka ata Jasmine? May taxi ba sa labas?”

Tumayo siya at inabot kay Jillian yung iba pang papers. “Si Guian kasi kinukulit ako e, kanina pa niya ako iniinis.”

“Eee!! Lovelife!”

“Hmp! Lovelife ka diyan. Hindi no!” 

Gustong gusto kasi siya ni G, eh hindi naman niya masabi kay Min yung feelings niya kaya nagpapakajerk na lang siya sa tuwing nagkikita sila.

“Ah, nga pala. Nakita mo si Renz?” Jasmine asks as she roam her eyes around.

“Di e, bakit?”

“May papa-lettering sana ako e. You know, ang ganda ng penmanship niya.”

“Oo nga. Sige na baka abutan ka pa ni G, bi-bwisitin niya lang araw mo.” Sabi niya kay Min pero that’s her way of protecting G. As much as possible, gusto niyang hindi na muna magkasalubong ang landas nila.

“If in case na tanungin ka niya, could you please tell him that I went that way?” Dinuro niya yung left side.

“Sure,” sagot ni Jillian at peke itong ngumiti. Jasmine waved at her then she left.

  

Pagkaalis ni Min, tinago na ni Jillian sa bag yung mga papers, buti na lang at mayroon siyang envelope. She was about to turn right after reaching the end of the hallway when . . .

“Ay anak ng tsanak!! Hanggang ilang beses ba akong mabubunggo?!” she ranted while rubbing her head. Nauntog kasi siya sa ulo ni G.

Have You Seen This Girl 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon