Chapter 20 The most painful favor

18.2K 92 19
  • Dedicated kay Denise Ponce
                                    

Chapter 20

Jillian's POV

Puyat ako dahil ginabi kami ng uwi kahapon.  Pagkabangon, hilamos at punta na sa dining area.

Nagprepare ako ng breakfast ko at naupo. Kasabay ng pagbabasa ko ng libro, The Time Keeper naman ang binabasa ko. Yep, ang bilis ko matapos ang isang story. Ganun talaga kapag sanay ka na, mas bumibilis ang utak mo sa pagbabasa.

Bigla namang may nagdoorbell kaya napatayo ako at nagpunta ako sa may pinto.

“Goodmorning po,” bati ko.

Yung keeper ng building na to pala.

“Goodmorning din iha, eto na nga pala ang card ng unit mo,” inabot niya yung key card sa akin.

“Ah salamat po,” tsaka ko kinuha.

“Pasensya ka na nga pala ang tagal bago ko nabigay sayo ah, busy kasi yung dating nakatira dito e.”

“Okay lang po ‘yun,” magalang na sagot ko. Kasalanan ko naman kasi talaga kasi nga agad agad din ang paglipat ko e.

“Kunin ko na nga pala yung gamit sa kwarto,” sabi niya sa akin.

“Ah sige po,” sagot ko at sinamahan ko siya sa kwarto. Pero hindi na ako pumasok at hinintay ko lang siya makarating.

“Salamat ah Jillian, mag-ingat ka,” sabi niya sa akin.

Hinatid ko siya sa labas, “Wala po ‘yun. Sige po.”

Pagkaalis niya, tinago ko na sa drawer ko yung card at naghanda na ako ng damit ko. Kahit wala akong pasok, kailangan kong magpunta ng school para asikasuhin yung prod. Ganun din naman yung ibang kasali e, kapag off nila sila yung nagaasikaso ng mga behind the scenes na kailangan.

Bago ako maligo, linagay ko muna yung singsing cheverlin ni Cyrus sa may ibabaw ng drawer ko. Lychee engaged na ako. Charot!

After not so long years natapos na din ako, nakapag-ayos na ako and all.

Tapos sinuot ko ulit yung bigay ni Cy, kahit na puchu puchu lang to basta bigay niya special pa din. Luh, ang harot ko.

Paglabas ko nakita ko sa kabilang unit yung keeper.

“Papasok ka na?” tanong niya sa akin.

“Ah opo, may lilipat na po diyan?”

“Ah oo e, bukas.”

“Wow! May katabing unit na ako,” excited na sagot ko.

“Ikaw talaga,” sabi niya sa akin, “Osiya, mauna ka na at baka malate ka pa.”

“Sige po, salamat.”

Have You Seen This Girl 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon