Chapter 25 No! It's not...

16.9K 103 23
                                    

Chapter 25

Jillian’s POV

“No Nick. It was a privilege to be loved by you,” I corrected him. “Hindi lahat ng tao nagmamahal ng kagaya mo. Selfless.”

Ngumiti lang siya sa sinabi kong iyon.

“Teka nga, may tatanong ako sa ‘yo,” napakunot pa ako ng noo.

“Ano ‘yun?” sagot niya.

“Tanga ka ba?”

Binatukan niya ako sa tanong kong ‘yun. “Tanga na kung tanga. Wala e, mahal kita.”

Naalala ko tuloy ‘yung sa nabasa ko sa Bakit Di Ka Crush Ng Crush Mo ni R.B.

“Alam mo ‘yung Bakit Di Ka Crush Ng Crush Mo?” tanong ko sa kaniya.

“Hindi ko alam eh,” sagot naman niya. “Hindi ko rin alam,” pag-uulit niya.

“Huh?” tanong ko. May halong pagtataka kung bakit kailangan ulitin niya pa.

“Sabi ko hindi ko alam kung bakit hindi ako crush ng crush ko,” pinoke niya yung noo ko. “Slow,” saad niya tsaka siya tumalikod at umalis na.

Leaving me abashed.

---

*Weeks later*

“Teka lang ah, baka pwede kang maghintay?” natatarantang sagot ko sa kaniya habang inaayos ko ang damit ko.  Todo takbo na ako sa labas.

“Come on. You can do better than that!” singhal niya sa akin.

“Thank you for the encouragement,” sarcastic na sagot ko sa kaniya.

“Tss.”

Binabaan niya na ako ng phone. Kumukulo na naman ang dugo ko sayo Ran!!! Runner ba ako ng mga errands niya at kailangan niya akong pahirapan ng ganito? BV!

Patakbo na ako ngayon sa bahay nila dahil meron siyang pinapagawa sa akin. Na-late ako ng gising kaya nagmamadali na ako. Kanina niya pa ako tinatawagan tapos nung mga sampung miscol, tsaka ko pa lang nasagot.

Pagod na pagod naman kasi ako. Buong araw akong kumikilos. Kahapon, hanggang gabi yung practice namin sa school. Tapos after nun nagpunta ako sa Dolce Vita para magtrabaho.

Nabasa ko ‘yung text niya sa akin right after niya tumawag dahil mula paguwi ko kagabi natulog na agad ako. Nagtext pala siya na kailangan ko magpunta sa bahay nila.

Nung tinext ko siya sabi ko sorry dahil hindi ko nabasa agad ang text niya, na di ako pwede. Sagot niya naman sa akin, hindi na daw niya kasalanan yun and he doesn’t care.

Have You Seen This Girl 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon