Chapter 23 Oh M to the G!

17.8K 89 14
                                    

Chapter 23

Jillian’s POV

Umakyat ako sa unit ko na may ngiti sa labi ko. Naks, ang lalim ata ng sinabi ko. Anyway, walanjo talaga yung si Oso. Tss, andame niyang alam. Gusto niya lang pala marinig na alam niyo na. Basta yun, ang corny corny naman kasi ng masyadong sweet e. Di ako used sa ganito.

Pero wala e. If you really love someone, you’ll go the extra mile to prove to that person how much you love him.

Pagdating ko sa loob, hinubad ko na yung sweatshirt ko at naghanap ako ng pampalit. Inayos ko na rin yung sala dahil nga sa TVD marathon namin medyo nagulo, not that messy pero di na ayos ang mga throw pillows dahil sa kilig ko. Yeah, sucker ako sa mga kilig moments e.

Then ligo saglit, para fresh tapos punta sa kwarto.

Pinatay ko yung ilaw saglit tapos nagpaikot ikot ako sa higaan ko. Pero hindi ako makatulog e, ano ba naman to.

Part of me’s so happy while another’s feeling guilty.

Ang gulo gulo, gusto kong maging masaya na lang. Deserve ko naman yun di ba? Kaso pag pumipikit ako, ang nasa isip ko lang palagi ay si Nick. Ano ba ‘yan.

Tumayo ako para buksan ang ilaw tapos nagpunta ako sa kitchen, magtitimpla lang ako ng gatas para makatulog ako agad.

I hope this will help.

Pagkatimpla ko umupo ako sa sala at nag-Indian sit sa may sofa.

Nakaramdam ako na vibration. Well, my phone.

May nagtext!

From: Bibe

I hate you. Goodnight pengs.

--

Napangiti ako. Yung ngiting alam kong siya lang yung makakapagbigay sa akin.

Di ko na nga rereplyan, baka kiligin siya masyado at hindi na makatulog. Charot.

Grabe, late na pala. Napatingin ako dun sa wallclock tapos tingin ulit sa glass of milk sa may table. Mga 5 intense na higop tapos tayo na agad at hugas ng baso. After ko hugasan, nagdiretso na ako sa kwarto ko.

Since hindi pa ako gaano makatulog, as usual, kinuha ko yung libro ko at nagbasa ako. But, hindi naman nakatulog. Ano ba naman to, feeling ko ang messed up ko. Yung utak ko kasi ang dameng laman, di naman ako matalino, feeling lang. Dameng naglalarong thoughts e.

Sinarado ko ang librong binabasa ko atsaka ako tumayo mula sa kama ko.

Para akong tanga kasi ang ginawa ko, naglatag ako ng kumot sa lapag tapos nagsit-ups ako. Wala lang, naiinggit kasi ako sa Abs ni Ian Somerhalder e, try ko lang magkaganun. Uubra ba? Ayun lang.

Have You Seen This Girl 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon