Chapter 17 Forgiven

19.7K 94 8
                                    

Chapter 17

Mitch’s POV

Mamaya na yung pagkikita namin ni Lola Mommy at hanggang ngayon hindi pa rin ako mapalagay. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko sa kaniya, matagal tagal na din kaming hindi nagkikita at matagal na rin kaming wala ni Renz.

Kung kailan naman sobrang okay na kami ni Mateo tsaka pa kami mahaharap sa ganitong sitwasyon. Kaya minsan mahirap yung alam na buong family mo yung lovelife mo e. Lahat concern, lahat may masasabi, lahat may opinion, lahat may second thought. Though maganda naman yung ganun, kaso nga lang. Ah basta!

Dahil gusto ko munang magpahangin, magpupunta muna akong TS ngayon.

Paglabas ko ng gate ng bahay, nagring yung phone ko. Ah si James pala.

“Hello,” bati ko sa kaniya.

“San ka?”

“Ah bahay, paalis pa lang.”

“San ka pupunta?”

“TS lang papahangin.”

“Samahan kita. Dun na lang tayo magkita.”

“Sure ka? Wala ka bang gagawin? Di ba may alis kayo ni Cy ngayon?”

“Baliw yun e. Si Jillian na lang sinama niya, wala daw ako kwentang kasama,” medyo inis na sagot niya. Ganun pa naman ‘yun si Cyrus ang lakas mambadtrip.

“Wag ka na iiyak, sige kita tayo sa Dragon Café, New York 3 o’clock,” I mean yung direction. Ganun kasi sa Dragon Café e, may mga places tapos to be more specific, ang direction na gamit nila ay using time. Gara no? Una, bano pa kami ni Althea nun, buti nasanay na kaming dalawa para di nakakahiya sa mga kasama naming mga mapanlait lalo na si Guain. Kakaiba yun e.

 “Roger to that. See you.”

“Sige. Byes,” binaba ko na ‘yung phone at naglakad na ako papunta sa sakayan papunta sa TS.

Habang nasa fx ako, tinext ako ni Mateo.

“Sabay na tayo punta mamaya sa Resto. 6:30 pm.”

 

Mas nangatog tuloy ako sa kaba. Si Lola Mommy kasi yung tipo ng cool na grandmother, bagets na bagets pa nga ‘yun magsalita e. Di ba naman kasi ang awkward nun.

“Sige. Thanks.”

After 30 minutes, nakarating na rin ako sa TS. Palakad na ako sa Dragon Café ng makasalubong ko yung Mammals.

“Oh Mitch,” si Cyrus. Nagulat ata since iba ang way ng TS sa bahay namin, so ibig sabihin kapag nandito ako, nagpunta talaga ako by purpose.

Have You Seen This Girl 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon