Subukang lumikha ng ngiti sa mukha
Ako'y nandito lang at 'di mawawala
Takot ay iwanan, ihakbang ang paa
Matutong kumilos, matutong mag-isa.
Ang bawat pag-ahon ay isang tagumpay
At bawat pagbagsak ay magiging gabay
Ang bawat pagbangon ay tanda ng tibay
Pag-asa ang laging itatak sa buhay.
Darating ang araw na ika'y lalakas
At sariling galing ay mapapamalas
Ihulma ng tama ang nais mong bukas
Ako'y nakamatyag kahit anong oras.
Sa iyong pagsubok, sa'yong pag-iisa
Wag mong iisiping iniwanan kita
Di mo man matanaw, ako'y iyong bantay
Ang mga pakpak ko, sayo'y aalalay.