MGA PILING TULA NI TheFrustratedPoet

288 1 2
                                    

Ang lahat ng libro ay may Introduction pero hindi ko talaga alam kung paano ko gagawan ng paunang salita ang aking online book na ito. Upang bigyan kayo ng ideya sa nilalaman nito, ang mababasa nyo ay ilan sa mga piling kalokohan na aking naisulat. Mga kalokohang naglalayong magturo, magpasaya, magpaalala, mag-pakilig at magpaibig at higit sa lahat at magpabago sa pananaw ng mga taong bulag at di makita ang ganda ng buhay.

Hindi ko naman talaga pinangarap makabuo ng libro, ang gusto ko lang ay isulat ang mga pangyayari sa aking buhay o mga kaganapan sa buhay ng iba gamit ang mga pinagsama-samang mga salita na nilapatan ng kaunting tugma - at nagiging tula.

Ang sabi nga sa kanta ng MILO, "great things start from small beginnings" at napakaganda kung iyon ang magiging motto ng lahat. Mula sa maliliit ngunit madalas na pagsisikap ay makakagawa at makakaipon ng magandang mga bagay. Mula sa ilang pilas ng papel na scratch natin sa pagsusulat ay maaari tayong makagawa ng kwento ng ating buhay,.. ng ating sariling libro.

HIndi ako komedyante, ang totoo ay trying hard ako pero gusto ko talagang makapag-iwan ng ngiti sa makakabasa ng aking mga kwento at tula..

Bigla kong naalala noong bata pa ako.. pinapatula ako ng aking nanay, tiyo, tiya at lola sa ibabaw ng mesa na noo'y nagsilbing maliit na entablado. Sino ang mag-aakalang hanggang ngayo'y sa ibabaw ng mesa pa rin ako tumutula?

Ito ang tula na itinuro pa ng aking Lola, sana'y maibigan nyo.

Ako'y isang batang anak maralita;

Nangahas mag-aral sa pag-aadikha,

Ang ama't ina ko'y isang taong dukha;

Ang tinatahana'y isang kubong dampa.

Di ko kailangan marikit na damit;

Matuklasan lamang ang ningning ng isip,

Kung ang damit mo ma'y marikit at ang dila nama'y umid;

Ang libak ng tao siyang masasapit.

Ok.. alam ko inip ka na.. saka ko na lang itutuloy ang introduction.. sana magustuhan nyo ang aking mga tula. sobra akong matutuwa kung may comment, recommendation, suggestion o kahit violent reaction kang maibibigay.. Salamat sa oras!

Nagmamahal,

TheFrustratedPoet

MGA PILING TULA NI TheFrustratedPoetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon