PAG-IBIG FOR SALE

134 4 0
                                    

Kung mabibili lamang ang iyong pag-ibig

Ako ay gagastos kahit sampung ulit

Upang makamtan ang matagal na nais

Na iyong mahalin kahit na sasaglit.

Kung marerentahan lamang ang yong puso

Sana ay long term lease kahit doble-tubo

Ako ay magdodown kahit 2 years advance

Makapiling ka lang at maging kasuyo

Kung napupulot lang ang yong pagmamahal

Pupulutin lahat kahit pa mapagal

Upang malaman mo ang tunay kong dasal

Na ika'y makuha kahit anong tagal.

Kung ang buhay lamang ay 'sang pelikula

Ika'y gagawin ko na bidang artista

Ako ang direktor at siyang may pasya

Ako'y mamahalin hanggang sa pagtanda.

Ngunit hindi naman "FOR SALE" ang pag-ibig

At hindi rin naman renta lang ang hilig

Nais ko'y manggaling mula sa 'yong bibig

Na ako'y ibig ding makaisang-dibdib.

Tunay ngang ang buhay tila isang laro

May magtatagumpay at may mabibigo

Mayroong sasaya at may masasaktan

Ngunit lahat tayo'y may matututunan.

MGA PILING TULA NI TheFrustratedPoetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon