Kung ako ay tula, ako ay malaya
walang saktong bilang at wala ring tugma
Kung ako ay tula, ako'y isang paksa
Na may dalang aral at hatid na tuwa
Kung ako ay tula, ako'y di mahaba
Ngunit bawat saknong ay matalinhaga
Kung ako ay tula, ako ay may diwa
At bawat taludtod, may rikit at bisa.
Kung ako ay tula, Ang Diyos ang makata...
At sana ay ikaw ang maging tagahanga..