THE BROKENHEARTED TSINELAS

102 3 1
                                    

Nasan ka na giliw, oh aking kabiyak

Kung ikaw ay wala, silbi ko'y di tiyak

Aking nagunita ang ating pangarap

Na mag-uunahan sa ating paglakad

Nasan ka na liyag, o aking katuwang

Na kasa-kasama sa gabi at araw

Sa bawat sandali, aking kaulayaw

Sa daang malinis o kahit putikan.

Ikaw ang kahati ng aba kong buhay

Sa ulan o init ay subok ang tibay

Ikaw na kapareha at aking karamay

Di ko masumpungan, nasaan ka mahal.

Sa'king pagsisikap na ika'y mahanap

Ang ating tagpua'y aking pinasyalan

Doo'y naroon ka at aking hinagkan

Ngunit bigtal ka na at wala nang buhay.

Ano pang saysay ko kung di ka kapiling?

Hindi ba't patapon ang turing sa akin?

Ang isang tsinelas na walang kabiyak

Ay tulad ng tao na walang pangarap....

MGA PILING TULA NI TheFrustratedPoetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon