KEHIRAP NAM PANGET

41 1 0
                                    

Kehirap nam panget

Hindi makasinget

Sa mga mapalad

At mukhang malupet.

Kehirap nam panget

Nakukuha'y may sabit

Kapag pinatulan

Ay magiging kabet.

Kehirap nam panget

walang makaduet

Sa awit ng buhay

Sintunado ulet.

Kehirap nam panget

Kahit anong pilet

"Di magkakasyota"

Ang lahat ay may bet.

Kehirap nam panget

walang naiingget

Pinagtitinginan,

sa asar ay sulet.

Sa isip ng panget

Ang tanong ay baket...

May pag-asa kayang

Siya'y makabingwet.

MGA PILING TULA NI TheFrustratedPoetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon