| Name | Sami Bathan de Ramos |
| Location | Mandaluyong City, Philippines |
| Birthday | Aug 19 |
| Member Since | Jul 01, 2012 |
| Votes Received | 1,550 |
ANG BABAENG PINAKAUNA KONG MINAHAL code0708111986 Ikaw ay ang puno at kami ang bunga na sayo’y nanggaling Ang mga sanga mo ang siyang yumakap sa gabing madilim Gabay at kalinga ang hatid ng iyong mayabong na lilim At ang iyong ugat na kapit sa lupa ay nakakagaling. Di matutumbasan ang lahat ng gabing ginawa mong araw Di mapapalitan ang yong pagpapagod na aking natanaw Ang bawat sandali na kapiling ka ay di mahihigitan Ng kahit anong yaman na nakakabulag at nakakasilaw. Salamat sa Diyos at ikaw ang handog, aming naging nanay Di mapipintasan, walang masasabi sa iyong paggabay Sa munting tahanan, ang iyong presensya ang s’ya naming ilaw Ang iyong pangaral na hindi maubos ay walang kapantay. Kami ang sumaksi sa lahat ng iyong sakripisyo’t hirap Huwag mong lilimutin na hindi lang dal’wa ang iyong balikat Pagkat ang sa amin ay handang sandalan, bigyan lang lingap Kaming iyong bunga, di ka iiwanan kahit sa hinagap. Kay ikli ng buhay, ang adya ng Diyos, sa huli’y pipikit, Nawa ang buhay ko’y idugtong sa iyo sa 'tulot ng langit. Ang kaginhawahan at lahat ng saya ay iyong makamit At matakpan noon, mga karanasang nagdulot ng pait. Nawa ay bigyan pa ng mahaaaabang taon ang ating samahan Nang aming mabalik at sayo’y mabigay ang di pa nakamtan Nawa ay ramdam mo aming pagmamahal kahit di mabanggit Nawa’y malaman mo na ikaw ang “dabest” at walang hihigit. Happy Mother's Day Mami. copyright* SALAMAT PO SA PAGTANGKILIK! 09084300372 - number ko.. hehe
![]() | HUWAG KA RAW IIBIG SA ISANG MAKATA |
![]() | WANTED: SYOTA - Urgent HiringNaghanap ka na ba ng isang taong makakasama mo at magiging katuwang sa bawat lungkot at saya ng buhay mo? Minsan at kadalasan hindi naman syota lang ang makagagawa nito para sayo.... |
![]() | ANG PAGKAKAIBIGAN NI LAPIS AT NI PAMBURAKung nagsasalita lamang ang lapis at pambura, ito ang naisip kong pag-uusap nila. pakinggan niyo.. |
![]() | KAHIT SA PANAGINIP LANGNaranasan mo na ba na bigo ka sa totoong buhay at ang panaginip ang tanging nagbibigay sayo ng pag-asa upang patuloy na mangarap? Isang makapangyarihang panaginip ... read more |
![]() | MGA PINAKA-MAIIKLI KONG TULAKaya mo tong matapos basahin sa loob ng dalawang minuto. Sige na, basahin mo na. Ayaw pa? (7 poems inside) |
![]() | KUNG AKO'Y ISANG TULAKung ikaw ay magiging isang tula, anong klaseng tula ka at bakit? Ako? Basahin mo na lang.. =) |
![]() | KEHIRAP NAM PANGETAng kapangitan ay hindi lang sa itsura. Ito ay maaaring sa ugali, sa pagtingin sa kapwa, sa paraan ng pag-iisip at paghuhusga. Mahirap maging pangit.. Mahirap. |
![]() | MY DILEMMAIt is really difficult and truly complicated when the one you love is also your sweetest downfall. =( |
![]() | ANG NAWAWALANG KWARTO SA PEYUPSNaranasan mo na ba ang mga ganitong kamalasan noon? Ang saya di ba kapag nalampasan mo... At sa sandaling mapagtagumpayan mo ay magiging bahagi na lang sila ng iyong nakakatuwang karanasag kasama raw sa paglaki. |
![]() | HIWAGA NG MAGKAIBANG MATAPaano mo nakikita ang mundong iyong ginagalawan? Tunghayan ang hiwaga ng magkaiba naming mata. |
@iBearAllThePain salamat po...
@nomnomisbored bakit naman? hehe
nakaka - frustrate ang mga tula mo haha
di nman. paboritong subject ko lang ang geography at world tourism. hehe
woah, isa k bang geography geek? :D
Kuya. Yung poem na sinasabi ko, di mo pa nababasa hahaha.
@hassybizzare thanks po.. keep reading. i have over 50 posts here..@Lemonflora thank you. di ko alam kung aling tula o kwento yung nagustuhan mo but i appreciate your effort of spending time reading my works. thanks po sa lahat ng nagbibigay ng positive comment, it brings a lot of encouragement for me to continue sharing through my "peculiar way". the frustrated talaga ako.. im not the normal writer.. hehehe/ @CassandraMendoza cguro dahil lumaki po ako sa batangas - sa rehiyon ng timog katagalugan.. proud and pure batanguenio po c thefrustrated..
Wow, lalim ng tagalog mo po! :DDD
You're very peculiar in writing poetries. You're one heck of a guy. How extraordinary is that? Well, that would be awesome. I'm impressed. ^ ^,)
just read few more of your works and left comments on some :) I like them!! more power!! :)