HIRAM LANG HA!

80 2 0
                                    

Kung sa 'yong paningin ang buhay ay pangit....

Mata ko'y hiramin ng iyong masilip

Ang ganda na tila sayo'y pinagkait

Di mo lang makita pagkat ika'y pikit.

Kung sa bawat araw lungkot ay yong ramdam

Puso ko, sa iyo ay ipapahiram

Upang yong matanto at mapag-alaman

Na lungkot ay bunga ng galit at suklam.

Kung sayong pandinig, ang mundo'y kay ingay

Tenga ko ay kunin at sayo'y ilagay

Upang yong marinig musika ng buhay

Bingi ang tenga mo, wari ko'y di sanay.

Kung sayong palagay mundo ay libingan

Isip ko'y ipalit kahit sandali lang.

Nang iyong maisip na ito'y tahanan

Mapapalad tayo na nabiyayaan.

MGA PILING TULA NI TheFrustratedPoetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon