Naalala mo pa ba
Noong una tayong magkita
Nahihiya pa akong lapitan ka
Tanda ko pa,
Laging nag-iiwasan ang ating mga mata..
Ngunit talagang ika'y kakaiba
May kung anong kislap ang yong mata
Kaakit-akit ang siimple mong ganda
Paglapit mo'y kaba ang siyang nadarama
Bitin ang araw ko kapag di ka nasulyapan
Tila tinakpan ng ulap ang araw
Na nagbibigay liwanag sa tanan
Ang tinig mo ay musika kung pakikinggan
Bawat sandali ay ayaw kong nalalampasan
At sa taglay ko ngang kakornihan
Isang tula ang aking napagbalingan
Isang likhang pagmamahal ang may gawa
Ang laman ay mga bagay na di mabanggit kaninuman
Ang kopya ay pinaabot sa isang kaibigan
Di maitangging noo'y muling kinabahan
Nag-iisip ng kung anong maaring kalabasan
Pikit-matang sabik sayong kasagutan
Di ko man inasahan, tula rin ang iyong nasintahan
nabigla ng aking masilayan
Ang tyansa ay naron, nakaabang
Naghihintay na makamtan....